Archive of Migrants

Mga manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho sa New Zealand, naggiit ng karampatang tulong
January 17, 2024

Nagkaisang iginiit ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa New Zealand ang hindi pa naibibigay sa kanila na sahod nang biglang magsara ang kumpanyang nagkontrata sa kanila. Kasabay nito, itinulak nila ang embahada ng Pilipinas na kagyat na ilabas ang tulong at ayudang nararapat sa kanila. Nawalan ng trabaho ang mahigit 1,000 manggagawa, kabilang ang […]

Dagdag-singil ng PhilHealth, pinababasura ng mga OFW
January 15, 2024

Nanawagan kahapon ang Migrante International para sa kagyat na pagbabasura ng dagdag-singil ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong taon. Nakatakdang itaas mula 4% tungong 5% ang sisingilin ng ahensya sa sahod ng mga overseas Filipino workers at migranteng Pilipino, na nangangahulugan ng pagtaas mula ₱500 hanggang ₱5,000 na kaltas sa mga sumasahod ng ₱10,000 […]

Pagpapalaya sa migranteng Pilipino na si Mary Jane Veloso, muling iginiit
January 09, 2024

Muling ipinanagawan ng Migrante International ang kagyat na pagpapalaya kay Mary Jane Veloso, migranteng Pilipinong biktima ng human at drug trafficking, na nakakulong sa Indonesia simula pa 2010. Iginiit ito ng grupo kasabay ng pagbisita ni Indonesian president Joko Widodo sa bansa mula Enero 9 hanggang Enero 11 para makipagpulong kay Ferdinand Marcos Jr. Nailigtas […]

Deportasyon at panggigipit sa Filipina-Swiss na aktibista, kinundena
December 10, 2023

Kinundena ng Anakbayan at Migrante International ang arbitraryong detensyon at deportasyon ng rehimeng US-Marcos kay Edna Becher, Filipina-Swiss na aktibista at tagapangulo ng Anakbayan-Switzerland, noong Disyembre 7 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Si Becher ay higit dalawang oras na ikinulong bago pinabalik sa Switzerland sa pagdadahilang “blacklisted” siya sa bansa dahil sa […]

"Insulto" ang 15-taong pagkakakulong sa pumatay kay Jullebee Ranara
September 18, 2023

Habang binati ng grupong Migrante ang mabilis na paglilitis sa gumahasa, pumatay at nagsunog sa bangkay ng kasambahay na si Jullebee Ranara sa Kuwait, dismayado ito sa hatol na 15-taong pagkakakulong ng salarin. “Naniniwala kami na insulto sa pamilya ni Jullebee, mga migrante at lahat ng mga Pilipino na naghahangad ng hustisya ang hatol na […]

Suspensyon ng dagdag na rekisito para makabyahe, ikinatuwa ng mga migrante
September 06, 2023

  Tinawag na paunang tagumpay ng Migrante International ang suspensyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpapatupad ng patakaran ng Inter-Agency Council Against Trafficking’s (IACAT) na dagdagan ang mga rekisito sa pagbyahe sa labas ng bansa. Inilabas ang patakaran noong Agosto at sisimulan sanang ipatupad noong Setyembre 3. Alinsunod sa naturang bagong patakaran, planong hingin […]

Dagdag na rekisito para makabyahe, pahirap at labag sa karapatan ng mga migrante
August 26, 2023

Kinundena ng grupong Migrante International ang dagdag na mga rekisito sa pagbyahe na ipinataw ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) noong nakaraang linggo. Alinsunod sa bagong patakaran nito, kailangang magpakita ng dagdag na mga dokumento ang mga migrante, tulad ng patunay ng may pampinansya silang kapasidad o “show money” bago sila payagang sumakay sa eroplano. […]

Patakaran sa mga migrante, kabaliktaran sa nakasaad sa SONA ni Marcos
July 26, 2023

Binatikos ng grupong Migrante ang mga pahayag ni Ferdinand Marcos Jr na patakaran ng kanyang rehimen kaugnay sa mga migranteng Pilipino. “Kabaligtaran at hindi sinsero ang pahayag na gagawing option at hindi sapilitan ang paglabas ng bansa ng ating mga kababayan upang maghanapbuhay kung aktibong nakikipag-usap sa ibat ibang mga bansa at pumipirma ng mga […]

Hustisya, sigaw ng mga migranteng biktima ng iligal na rekrutment
July 14, 2023

Nagprotesta kahapon, Hulyo 13, ang mga biktima ng iligal na rekrutment sa upisina ng Department of Migrant Workers (DMW) at National Bureau of Investigation (NBI) kasabay ng paghahain ng reklamo kaugnay ng mga pang-aabusong dinanas nila. Kasama nila sa pagprotesta ang mga lider ng Migrante International. Nagsampa ng kaso ang mga biktima ng malawakang iligal […]

Bagsak na grado, ibinigay ng mga migrante kay Marcos
June 30, 2023

Bagsak na grado, at sa gayon ay kailangang patalsikin si Ferdinand Marcos Jr sa pwesto para sa kanyang mga krimen laban sa mga migrante. Ito ang pahayag ng grupong Migrante International para sa unang taon ng panunungkulan ng anak ng diktador. Kabilang sa kanyang mga krimen ang sumusunod: bigong paglikha ng mga lokal na trabaho, […]