Pahayag

Sagot sa kahirapan digmang bayan!

,

Kahapon, Setyembre 21, 2024, ginunita ng Artistang Manunulat Ng Samabayan ang ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar (o Martial Law) ng diktador na si Marcos Sr sa pamamagitan nang paglikha at pag-alay ng isang rebulosyonaryong sining.

Ang araw na ito’y alay sa lahat ng mga Pulang mandirigma, martir at biktima ng Batas Militar sa ilalim ng diktadura ni Marcos Sr—isang pagkakataon upang muling alalahanin at pagpugayan ang kanilang walang pangamba at walang pag-iimbot na paglilingkod sa hayag at aramadong pakikibaka para sa karapatan ng mamamayan, katotohan, at katarungan kapalit man nito’y kanilang mga buhay.

Sa kasalukuyan, walang pinagkaiba sa kanyang ama, patuloy na sinusubukan ng rehimeng US-Marcos Jr. na baguhin at palitan ang naratibo ng kasaysayan upang burahin sa alaala ng sambayanan, na sila’y pasista, mamamatay tao! Maraming pinaslang, at inutang na dugo ang kanilang pamilya, lalo na ng kaniyang ama, sa demokratikong karapatan ng mamamayang lumalaban, bilyon-bilyong kinamkam na yaman, pangwawasak sa kalikasan, at tahasang pag-abuso sa kapangyarihan.

Gayunpaman, bagsak at patuloy na babagsak ang Papet, Pasista, Pahirap na estado ni US-Marcos Jr at ang kanyang among imperyalistang US na nagpapahirap sa bilyong bilyong Pilipino at sa daigdig. Kailanman ay hindi makakalimot ang sambayanan sa madugong panunupil ng estado ni Marcos, sapagakat patuloy na nanatili at nararanasan ang bulok na sistema, ang Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata Kapitalismo.

Kaya ang Bagong Hukbong Bayan na pumoprotekta sa mamamayan at nagsusulong ng pambasang interes, ay walang kapagalan na nagsulong at hindi tumitigil sa pagbigawas sa mga kaaway na AFP na tiga pagsilbi naman sa interes ng dayuhan at iilan. Ang nagaganap na digmaan sa kanayunan, ay ang pagnanais na pag-tagumpayan ang laban ng mamamayan sa Pambansa Demokratikong Rebolusyong Bayan, dahil hindi basta-basta isusuko ng mga nag haharing uri o ng imperyalistang US na mawala ang Mala-Kolonyal At Mala-Pyudal na sistema sa lipunan ng pilipinas at kanilang pampulitikang kapangyarihan, na nagpapahinto sa pag-unlad ng sambayanang pilipino. Sa paglahok ng mamamayang pinagsasamantalahan sa Bagong Hukbong Bayan ay isang tiyak na paraan para makuha ang pampulitikang kapangyarihan at kamtin ang pambasang demokrasya at pambasang kalayaan!

“Sa pagkamit ng liwanag mapulang araw ay sisikat
Tiyak na ang tagumpay sosyalismo’y pag bangon at pagdilat
Wala nang pananamantala wala nang pahihirap
Patuloy ang digmaan kung kontradiksyon sa uri ang hinaharap”

Sagot sa kahirapan digmang bayan!