Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Patnubay sa pagtatayo ng mga Saligang Organisasyong Masa





<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>



February 1971


I. Unang Hakbang - Itayo ang Grupong Tagapag-ugnay ng Baryo (GTB)

A. Ang GTB ay bubuuin batay sa mga sumusunod na rekisitos:

  1. Mayroon nang di-kukulangin sa dalawampung masa ang mga nauugnayan (mga panimulang kontak) at ang ilan sa kanila ang pipiliin upang kumilos.
  2. May malalim-lalim nang pagsisiyasat mahalagang partikular na usaping sa lugar na siyang mapagbatayan ng mabisang pagpukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa.
  3. May pagsisiyasat na sa pagkatao, paninindigan at pamamaraan sa pagkilos ng mga mapagkakatiwalaan sa hanay ng mgaa kontak na tutugma sa kahit na sa higit na kalahati lamang sa mga itinakdang pamantayan para sa mga taong narrapat na bumuo sa GTB. Isang panimulang antas ng organisasyon sa baryo ang pag-aralansa kakayahan nilang magampanan ang mga gawain sa GTB.
  4. Mayroon nang tatlo hanggang sampu kataong maaaring bumuo sa GTB batay sa pupolasyo at lawak ng saklaw nila.

B. Mga pamantayan sa mga taong bubuo sa GTB:

  1. Nagnanais ng rebolusyon -- naniniwalang sa mga layunin ng rebolusyon at handang tumanggap ng mga panimulang atas sa baryo.
  2. Mula sa uring pinagsasamantalahan -- manggagawa. manggagawang bukid, maralita, mababa at panggitnang magsasaka at mala-proletaryado. Pinakaiiwasann nating pakilusin ang mga lumpen sa baryo.
  3. Kilalang tapat at mabuti -- mahusay ang tala (rekord) ng pagkatao at responsable sa pamilya. Kailangang higit tayong magpakahusay sa pagsisiyasat at pagsusuri sa bagay na ito upang maituwid ang mga nakaraang pagkakamali na naging sanhi ng mga pinsala sa ating hanay. Hindi natin dapat asahang ang mga lumpen at di-responsableng tao upang mag-organisa o kahit na kumilos sa mga maliliit na gawaing teknikal para sa ating mga pangangailangan.
  4. Mapamaraan at masigasig sa pagganap sa mga tungklin ibinibigay natin. Makikita sa kanila ang sariling pag-aaral, paglikha at pagsubok ng ibat ibang paraan at may inisyatiba sa pagganap sa mga tungkulin. Ito'y magbubuhat sa pagbibigay natin ng oryentasyon sa kanilang mga gawain, paggabay at pampulitikang pagmumulat sa kanila, maliban pa sa taglay nilang kakayahan.

Ang kakayahan nilang magpropaganda sa masa ay magbabatay, unang-una, sa ating iminumulat sa kanila sa pamamagitan ng mga talakayan, pag-aaral, estilo ng pagkilos at pakikitungo sa masa.

Napahalaga ng mga kauna-unahang pagkakataong pakikipag-ugnayan sa masa. Maisasakonkreto nila ang kanilang suhetibong pananaw na may malaking salik sa pundasyon ng kanilang paniniwala, pagtitiwala at respeto sa rebolusyonaryong kilusan.

Hindi lamang sa mga unang pagkakataon kinakailangang napapatingkad ang pakikitungo sa masa. Minamarapat din itong maging tuloy-tuloy, pinauunlad at inaalagaan upang higit na tumibay at tumatag ang pampulitikang ugnayan sa masa. Hindi dapat pinatatagal bagkus ay agad binabakbak ang peudal at burges na estilo ng pakikitungo sa masa.

K. Ang mga pangkalahatang paraan sa pagbubuo ng mga saligang organisasyong masa (SOM) ay tungkulin ng mga SYP o IG, kadre sa pagpapalawak (kasapi o di-kasapi ng Partido, sandatahan o di-sandatahan ng mga seksyon komite o mas nakatataas pang komite ng Partido ng Rehiyon;

  1. Ang buong kagawad ng SYP o IG, mga pangkat sa pagpapalawak o di-sandatahang yunit propaganda (kasapi o di kasapi) at sangay ng Partido (para sa mga GPM) ang siyang magpapasiya sa alinmang itatayong SOM.
  2. Kolektibong nitong susuriing isa-isa ang mga napipiling magiging kagawad ng pamunuan ng mga itatayong SOM at kailangang natutupad nial kahit man lang kalahati ng pamantayang nakalahad.
  3. Malalim na suriin ang paghahanay sa mga taong bubuo para sa isang kolektibo ng pamunuan ng SOM na ninanais itayo. Nag-aangkupan, nagtutulungan, naglalangkapan at nagbabatay sa isa't isa ang mga katangian nial, ibig sabihin, ang kulang sa isa ay matatagpuan sa isa o iba pa. Sa gayon, mapapahusay ang kanilang mahigpit na koordinasyon sa pagpapaunlad ng gawain (teamwork).
  4. Ang kolektibo o kinatawan ng Partido o Hukbong nasa mga batayang gawaing masa ang magsasaayos sa pagdalo ng mga napiling bubuo sa mga pamunuan ng mga itatayong SOM. Titipunin sila upang isakatuparan ang isang balak na pulong na laan para dito.
  5. Buong pagsusumikap nating ipapaliwanag ang mga partikular na kalagayan ng baryo at iuugnay sa kabuuang kalagayan ng bulok na lipunan. Ipasapol natin ang mga simulain ng pambansang demokratikong rebolusyon ng bayan at ang mga karapatan at tungkulin ng itatayong SOM. Ibababa rin ang mga pampulitikang panawagan ng mga kadre, sangay ng Partido sa baryo, SYP o IG na siyang papatnubay sa pagpapaandar at kilos ng SOM.

    Maaaring gabay ang patnubay na ito sa paglilinaw upang mailapat sa kongkretong kalagayan at ipasasapol sa mga pinupulong ang mahahalagang punto. Itutuwid natin ang maling kaisipan sa hanay nila.

  6. Pukawin ang mga pamunuan ng mga itanayong SOM para sa matapat, masigla masigasig at mapamaraang pagtupad sa mga karapatan at tungkulin.

Mungkahi adyenda sa pulong pagbubuo:

a) Layunin ng pulong (matapos masuri ang kahandaang tumanggapng atas ng mga nagsidalo).

b) Kalagayan at batayan ng pagkakaisa sa pagsususlong sa rebolusyonaryongkilusan masa. Pagkakaisa sa pangkalahatan at sa bawat partikular na isyu, usapin, pampulitikang panawagan at kampanya na ibinababa nga mas nakatataas (kadre sa pagpapalawak, grupo ng Partido at SYP o IG).

k) Tipo ng SOM na itinayo, kahalagahan nito sa kasalukuyan at hinaharap (ang suhetibong puwersa at paborableng kalagayan sa higit na ikasusulong ng rebolusyonaryong kilusan).

d) Pormal na paghirang sa kanila bilang bumubuo sa pamunuan ng itinayong SOM (ipalinaw na rin ang paraan ng pagrerekluta ng mga kasapi ng SOM).

e) Oryentasyong pag-aaral:

i. Kaugnay ng SOM sa pagsususlong ng rebolusyonaryong kilusang masa sa inilulunsad na sandatahang rebolusyonaryong pakikibaka ng Hukbong Bayan sa pamamano ng Partido (Batayang artikulo: Tatlong Panawagan ng rehiyon) ii. Ugnayan ng pamumuno sa pinamumunuan (RB)

iii. Disiplina -- sa pampulitika at pang-seguridad na pagkilos (RB)

iv. Ang papel ng Partido, Hukbong Bayan at ang kaugnayan ng kilusang masa sa nagkakaisang prente (Patnubay Pangkadre) v. Programa ng Pambansang Demokratikong Rebolusyon ng Bayan (Patnubay Pangkadre) Maaaring isagawa ito nang dalawang beses na pulong o sunod-sunod na pulong upang ito'y makumpleto at naging tuloy-tuloy ang mga paksa. Sa bawat pulong, tiyaking tapos at natalakay nang husto ang mga artikulo o paksa upang sa susunod na pulong ay bagong paksa o artikulo naman ang tatalakayin.

D. Mga tungkulin ng Grupong Tagapag-ugnay ng Baryo (GTB)

Ang GTB ang siyang panimulang saligang organisasyon masa sa baryo na magisismula sa gawaing propaganda at organisasyon sa mga mamamayan ng baryo. Ito ang magpapakilala sa Partido, Hukbong Bayan, at nagkakaisang prente, sa simulain at pambansang demokratikong rebolusyon ng bayan, at sa mga positibong elemento at masa sa baryo. Gayudin, ito ang magpapakilala ng mga positibong elemento sa mga kadre ng Partido, SYP o IG. Kaya't nagiging pangunahing tungkulin nito ang pagpapakinis sa panimulang relasyon natin sa mga tagabaryo.

Maisasagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. Tumulong sa pagsisiyasat sa baryo. Dapat unang binibigyan pansin ang panlipunang pagsisiyasat sa kabuuan ng baryo at pagakatapos, ang mga suliranin ng mga batayang puwersa na mas maraming kasangkot. Ang pagsisiyasat ay ibabatay muna sa gabay ng panimulang ulat pagsisiyasat sa mga baryo. Kailangan masubaybayan ng mga kasama ang pagpapakilala sa mga uri at saray sa lipunan Pilipino sa pamamagitan ng mga pag-aaral at talakayan nito sa GTB. Hindi lamang dapat matuon ang ating pagsisiyasat sa mga kilos ng kaaway at espiya at iba pang usaping milatar sa baryo. Ang kailangan pgtuunan ng pansin ay ang mga usaping pampulitika, pag-alam sa mga uri, dinaranas na pagsasamantala at kahirapan ng masa. Ito ang siyang pagbabatayan ng balak kung papaano ang mga paraan ng pagkilos at ibababang panawagan sa baryo na magpapabilis sa pagpukaw at pag-organisa sa masa.
  2. Isagawa ang panimulang rebolusyonaryong propaganda sa baryo. Nilalaman nito ang pagsusulong sa rebolusyonaryong kilusang masa; anti-pasista, anti-peudal at anti-imperyalistang pakikibaka; at mga simulain ng pambansang demokratikong rebolusyon ng bayan. Sa pagpopropaganda sa masa, palaging iugnay o isanib sa partikular na kalagayan ng masa ang ating mga pangkalahatang panawagan.
  3. Pahakbang-hakbang at palihim nila tayong iugnay sa mga positibong elemento at puwersa sa baryo. Pinag-aaralan at sinusuri nilang mabuti ang nakaraang katayuan at kasalukuyang pagkilos ng mga nakikitang may potensiyalidad na positibong puwersa at elemento (maaaring buhat sa luma at kasalukuyang rebolusyonaryong kilusan na nanlamig o nanghina).
  4. Tiyakin ang kaligtasan ng mga kasama sa pagpasok, pagtira at pagpupuwesto sa loob at labas na saklaw ng baryo.
  5. Tumulong sa pagsusurvey sa loob at paligid ng baryo at ng mga paborableng daan.
  6. Tumulong sa paglilingap sa kabuhayan, komunikasyon at iba pang pangangailangan materyal ng mga kasama. Kailangang maorganisang mabuti o mapaghahati-hati ng mga gawain ito nang sa gayo'y hindi nabibigatan sa gawain ang iisa o iilang kagawad ng GTB at mangyari pa'y mapakilos din yaong mga maypotensiyal.

    Kailangan maibaling ang ating pansin sa pagpapaunlad sa kakayahan ng ibang masa upang makatulong sila sa maraming gawain at naisasanay sila bilang tagahalili sa pamumuno sa baryo.

  7. Subaybayan at malalim na siyasatin ang pagkatao, paninindigang pampulitika at ang mga nakaraang rekord ng mga taong pinag-aaralan na posibleng maging kaaway ng rebolusyonaryong kilusan. Hindi lamang sa unang pagkilala sa kanila kundi kailangan ay ang tuloy-tuloy na pag-aaral.
  8. Dapat lumikha ng maraming post sa loob ng baryo. Mas mabuti kung ito'y marami at lihim para marami ang masanay sa pakikitungo sa atin at sa pagkilos sa rebolusyonaryong kilusang lihim. Magiging mahirap sa kaaway na matiktikan ang ating kilos.
  9. Tumulong sa mga kasama ng pagsuri at pag-organisa sa mga taong dadalo sa pulong masa.

    Ang mga tungkulin ito ng mga GTB ay kolektibong nilang gagampanan, bilang panimulang oryentasyon ng kolektibong pamumuno sa pag-oorganisa sa baryo. Sa pagganap nila sa mga atas at pagbibigay ng pampulitikang edukasyon sa kanila, masusubok natin kung gaano kabisa ang paglilinaw sa mga atas, pagsubaybay, paglalagom at paggabay sa kanila. Malalaman natin kung may sumusulong sa pagiging kontak o maaaring maging atrasado.

E. Ang mga karapatan at katangian ng Grupong Tagapag-ugnay sa Baryo

Ang pagbibigay ng mga tungkulin at karapatan sa mga taong bubuo sa mga itinatayong saligang organisasyong masa ay ibinabatay sa kasaysayan, katayuan, kakayahan at potensiyalidad at kalagayang kinapapalooban nila.

Sa ngayon, ang GTB ay hindi na natin inaasahang binhi ng pamahalaang bayan sa baryo. Ang mga kagawad nito ay wala nang di-nakatalang pribelehiyo na awtomatikong magiging pangunahing puwersang pampakilos sa likuran ng mga itatatag na saligang organisasyong masa.

Nilalayuan na natin ang dating mapanirang gawi na bigyan ang mga panimulang kontak ng prebilehiyong ito at samakatwid ay inaalis o binabawasan nang malaki ang kondisyon sa pagsulpot o di kaya'y pagpuslit ng mga di-mapagkakatiwalaang elemento sa mga saligang organisasyong masa.

Ang GTB ay siyang panimula at mababang tipo ng mga saligang organisasyon masa sa mga bagong bukas na baryo. Ito ay isa nang malaking pagbabago at nagbibigay hudyat sa pagsisimula ng rebolusyonaryong gawain sa baryo. Pundasyon din ito ng ating pampulitikang gawain at nagbibigay-daan sa pagsulong ng kilusang masa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga grupong pang-organisa ng mamamayan. Bagamat sa ibang baryo, maaaring itayo kaagad ang mga GPM kahit hindi na muna itayo ang mga GTB. Ito'y batay sa antas ng gawaing pampulitikang inabot na natin sa naturang baryo.

Tulad noong nakaraan, karamihan sa mga naugnayan na napabilang sa mga KP ay awtomatikong nagkaroon ng kapangyarihan at di-nakatalang pribelihiyo. Ito'y dahil na rin sa ating maling oryentasyon at pakikitungong pampulitika sa masa. Malaking kondisyon ito upang magmalabis naman ang karamihan sa di-nararapat na karapatan at pribilihiyo nila. Ito'y repleksiyon ng bulok na lipunan at malalim na impluwensiya ng pananaw at estilo ng lumang Hukbo ng pangkating Taruc-Sumulong tulad ng opurtunismo, pagggamit sa pangalan ng rebolusyonaryongkilusan para sa sariling kapakinabangan, bisyo, pinansya, at pagmamayabang o pagmamalabis sa katayuan nila sa rebolusyonaryong kilusan. Nagbunga ito ng malakin kasiraan sa panimulang gawain at dignidad ng rebolusyonaryong kilusan.

Ang GTB ay mahigpit na pinaaaalalahang huwag lumantad bilang tagapag-organisa ng masa at pulong-masa. Iniingatan din natin huwag nitong malaman ang lampas sa karapat-dapat na malaman (pangalan ng mga taong kalahok at lugar na hindi nila saklaw) tungkol sa aktuwal na paglawak at paglalim ng gawaing pang-organisasyon at pampulitika sa baryo. Ito'y maisasagawa sa pamamagitan ng maunlad na paraan at estilo ng maingat na paggawa.

G. Mga tungkulin ng mga pangkat pagpapalawak (kasapi o di kasapi),SYP o IG sa mga saligang organisasyong masa.

  1. Siyasatin ang kasaysayan ng pagkatao, paninindigan pampulitika, katayuan at kabuhayan ng mga kagawad ng pamunuan ng SOM. Batay rito, magpropaganda hinggil sa mga simulain at mga batayang prinsipyo ng rebolusyonaryong kilusan. Pukawin sila upang masapol at mabisang tuparin ang mga karapatan ng SOM. Ito'y hindi lamang sa isang beses na paglilinaw manapa'y kailangan ang matiyagang paglilinaw at pagtututuro. Sa bawat paglalagom ng gawain, kailangang maipakita ang mga positibo at negatibo sa gawain o kilos nila at muling ipalinaw ang paraan ng pagpapaunlad at pagwawasto sa paraang pang-edukasyon.
  2. Magbigay ng pangmasang pampulitikang edukasyon. Linawin ang mga karapatan, tungkulin at oryentasyon ng mga SOM, mga pangkalahatan at partikular na atas, mga pampulitikang linya, panawagan kampanya sa baryo, mga pamamaraan at estilo ng pagkilos alinsunod sa mga kalagayan, paglalagom sa mganakaraang pagkilos ng mga kapansin-pansin o mahahalagang bagay at pangyayaring nagpabago (pag-unlad o pag-atras) sa kalagayan at pagtatasa sa inabot na kalagayan ng baryo at mga balak na gawain ng SOM. Bago lumisan ang mga kasamang kinauukulan ay kinakailangang may malinaw na atas ang SOM (hndi lamang ang pagbibigay ng poste). Hindi dapat lumalampas ang karapatan at tungkulin nito alinsunod sa patnubay na ito. Habang wala tayo, patuloy ang gawaing propaganda ng SOM sa baryo. Ito'y pagkakataon na upang magkaroon sila ng inisyatiba at masiglang pagkilos sa baryo. Upang matay ang ibibigay na atas, kinakailangan ang mas mahusay na paghahanda at pagbabalak sa gawain na angkop sa takdang panahon ng pagbabalik ng mga SYP o IG, pangkat sa pagpapalawak (kasapi o di kasapi). Malalim na suriin ang pagkatao at pagbabago (pag-unlad at pag-atras sa pagkilos bawat kagawad ng pamunuan batay sa isang tiyak na kalagayan kinapapalooban nila. Kinakailangang masapol natin ang pinag-ugatan ng mga ito upang malutas at makagawa ng nararapat na hakbang.

II. Ikalawang Hakbang: Buuin ang mga Gupong Pang-organisa ng Mamamayan sa bawat sektor ng baryo (GPM)

Mula sa inilunsad na mga gawaing pampropaganda, pag-oorganisa, panawagan, at kamapanya ng GTB, sa pamamatnubay natin, ay maglilitawan ang mga positibo at maunlad na elemento sa baryo. Sa hanay ng mga ito, pipiliin natin ang magiging mga kasapi ng bubuuing GPM. Sila ay maaaring manggaling mula sa GTB o sa labas nito.

Ang GPM ay siyang panimulang saligang organisasyong masa ng bawat sektor ng mamamayan sa baryo. Sa panimula, daraan ito sa antas ng pagrerekluta upang sa isang sapat na bilang, batay sa dami ng mga kasektor nila, ay umandar ito bilang saligang organisasyong masa. Ang bawat indibidwal o mamamayan na naorganisa at pumapayag na sumapi ay ipapaloob sa sektor o GPM na dapat nilang kapalooban.

Sa GPM palalalimin ng mamamayan ang kanilang pag-unawa at pag-aaral sa pambansang demokratikong rebolusyong bayan na siyang batayan ng pagkakaisa nito.

Kahit na pang-organisa pa lamang ang tipo ng SOM, tataglayin na nito ang ilang salik at katangian ng isang samahang makabayan sa maunlad na antas ng pag-andar nito upang higit na mapasulong ang rebolusyonaryong kilusan masa.

Kagyat na taglay nito ang oryentasyong pagtatangkilik at pagtataguyod sa pambansang sandatahang pakikibaka kahit na higit nitong binibigyan pangunahin ang pagsusulong ng kilusang masa sa kanayunan. Bagamat masasabi pa ring ang nagpasimula ng rebolusnaryong gawain ay ang mga sandatahang yunit propaganda sa baryo at ito'y saklaw o malapit sa mga sonang gerilya ng mga yunit ng BHB at ng mga seksyong komite ng Partido na mayroon mga yunit partisano o gerilya ng BHB na maaaring may operasyon sa lugar. Ito'y nagbibigay ng mainam na kondisyon sa iba't ibang anyo ng paglahok nila sa pagsusulong ng kilusan masa na may malaking kaugnayan sa pagsusulong ng sandatahang pakikibaka.

A. Mga pangkalahatang batayan at rekisitos sa pagbubuo ng GPM

  1. Mayroon nang higit na sampu o ikaapat na bahagi man lamang (sa mga sektor na may bilang na higit sa apatnapu) ang nauugnayan sa sektor na nais tayuan. Magbubuhat dito ang bubuo ng pamunuan ng GPM at ang mga hindi mapipili sa mga nauugnayan ay himuking maging kasapi at kailangan ipormal ito.
  2. Umabot na sa 20% hanggang 40% ng populasyon ng kabuuang purok, sityo o ng sentrong baryo ng nais tayuan ang naiimpluwensiyahan ng rebolusyonaryong kilusan. Dito magbubuhat ang magiging kasapi nito upang may batayang masa ang itatayong GPM.
  3. Ang ating iskuwad gerilya o SYP, pangkat pagpapalawak o pagpapatatag, sangay ng Partido sa baryo (nakatayo na) na nakaligid sa ibat ibang bahagi ng baryo, sityo o purok o kaya'y magkakahiwalay sila sa mga bahagi ng baryo, ay kinakailangan makapaglunsad ng gawaing pampropaganda at pang-organisasyon sa mga tagabaryo. Pnagunahing bibigyang-pansin ng mga ito ang mga manggagawang bukid, maralita, mababang panggitna at panggitnang-panggitnang magsasaka, mala-proletaryado at manggagawa. Ito'y bilang tulong na rin sa GTB at ibang positibo at maunlad na puwersa sa baryo.

    a) Nakapagsiyasat na para sa isang partikular na suliraning o usapin. Isa sa pinakamalakas na kondisyon ang pagdarahop ng sektor na siyang makapukaw sa kanila tungo sa pag-oorganisa ng GPM. Batay sa usapin ito, bubuo tayo ng isang pampulitikang linya o panawagan na magbibigay kalutasan rito. Ang partikular na pampulitikang linya o panawagan ito ay nararapat na maiugnay o maisanib sa ating pangkalahatang pampulitikang linya at panawagan na siyang ipasasapol sa sektor na nais organisahin.

    b) Ang maagap na masinop na paraan ng pagsisiyasat, pagpapalaganap at pagpapasapol sa mga linya at panawagan ibinabandila natin ay mahalaga sa mga pamunuan at kasapi upang mapatatag ang pundasyon ng nabuong GPM. Sa hinaharap, matingkad na tatangkilikin at itataguyod ng sektor ang anumang panawagan at disisyon ng GPM.

  4. Batay sa pagkakahati ng teritoryo o anumang pagkakabahagi natin sa baryo, sityo, purok o sentrol at mga purok-tirahan, kinakailangan sa bawat isa sa mga ito ay mayroong hindi bababa sa sampung bubong o pamilya. Sa mga kulang sa minimun na bilang na ito, isasanib na lamang ang iba pang katabing purok o sityo.

B. Mga pangkalahatang pamantayan sa mga pamunuan ng GPM:

  1. Mahusay na rekord ng pagkatao, kilalang tapat, mabuti at responsable. Mahusay makisama sa mga kasektor at kabaryo niya.
  2. Naliliwanagan na sa mga pangkalahatang linyang pampulitika ng rebolusyon at nagnanais isakatuparan ang mga ito. Malaki ang potensiyaledad na gampanan ang mga gawain, tungkulin at responsibilidad.
  3. May inisyatiba at masigasig sa pagganap ng mga tungkulin at atas. May kakayahan sa panimulang pagpapakilala ng rebolusyonaryong kilusan sa kasektor o kaantas na ninanais isapi sa GPM o sa sinumang ninanais organisahin. Nagpapalinaw at nagpapalaganap ng mga partikular at pangkalahatang linya at panawagan. Nagsusumikap ipasapol ang mga ito sa masa hanggang sa mapakilos niya ang mga ito.
  4. May ilang beses nang naugnayan at nakagampan ng ilang maliit na anyo ng gawain at atas mula sa atin o GTB. Dito naitn maisasakongkreto ang ilan sa mga pamantayang nakalahad dito.
  5. Naninirahan sa baryong nais tayuan ng GPM. Maaaring magkaminsan ay dumadayo ng gawain dahil sa pangangailangan sa kabuhayan.

Ang mga pamantayang ito ay sumusulong batay na rin sa pagsulong ng mga rebolusyonaryong kalagayan na kinapapalooban ng GPM. Kinakailangan ding umunlad ang mga palaging makaangkop at makapamuno sa kani-kanilang saligang organisasyong masa.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.