Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Rebolusyonaryong gabay sa reporma sa lupa





<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>



April 20, 1977


Isinaayos ang Rebolusyonaryong Gabay sa Reporma sa Lupa alinsunod sa mga pagbabagong itinadhana sa Paunang Salita ni Tagapangulong Amado Guerrero noong ika-20 ng Abril 1977 at alinsunod sa mga kapasyahan ng ika-10 Plenum ng Komite Sentral ng Partido, KPKS 1994 at ika-11 Plenum ng Komite Sentral.

Kabilang sa mga isinaayos ang mga sumusunod:

1. Pinalitan ang Seksyon 1 ng Kabanata III alinsunod sa nilinaw ng Paunang Salita ni Tagapangulong Amado Guerrero noong ika-20 ng Abril 1977, na ang upa sa lupa�bilang panimulang hakbang sa pagpapababa sa upa sa lupa�ay pabababain ng 50% mula sa antas na dinatnang umiiral sa lugar.

2. Pinalitan ang letra k ng Seksyon 4 ng Kabanata III at isinaayos ang letra d ng Seksyon 4 ng Kabanata III at Seksyon 7 ng Kabanata V alinsunod sa nilinaw ng Paunang Salita ni Tagapangulong Amado Guerrero noong ika-20 ng Abril 1977, na ang interes sa pautang�bilang panimulang hakbang sa pagpawi ng mapang-usurang interes�ay pabababain ng 50% mula sa antas na dinatnang umiiral sa lugar.

3. Idinagdag ang Seksyon 2 sa Kabanata III tungkol sa patuloy na hakbang-hakbang na pagpapababa ng upa sa lupa mula sa panimulang bawas na 50% ng dinatnang umiiral na antas hanggang sa 10% o mas mababa pa ng netong ani�batay sa paglakas ng mga rebolusyonaryong pwersa sa saklaw.

4. Sa letra k ng Seksyon 4 ng Kabanata III ay nilinaw din na habang itatakda ang interes sa pautang na di na mapang-usura, titiyaking mahihikayat na patuloy pa ring magpautang ang mga nagpapautang.

5. Inalis ang komiteng pang-organisa ng baryo sa mga artikulo 1,2,3,4,6, at 8 sa Kabanata II ng Gabay sa Pagtatatag ng Demokratikong Gubyernong Bayan alinsunod sa paglilinaw sa Mahigpit Nating mga Tungkulin na resulta ng Ikatlong Plenum ng Unang Komite Sentral ng Partido. Isinaayos din alinsunod dito ang Artikulo 2 ng Kabanata II ng Ikalawang Bahagi ng Gabay sa Pagtatatag ng Demokratikong Gubyernong Bayan.

6. Batay sa mga desisyon ng Ika-10 Plenum ng Komite Sentral ng Partido at pulong ng KPKS noong 1994 na ipatutupad ang maksimum na programa ng rebolusyong agraryo pagkatapos makamit ang tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan sa buong bansa (Tingnan sa Muling Pagtibayin ang Ating Mga Saligang Prinsipyo at Iwasto ang mga Pagkakamali , Programa ng Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas, Usapin ng Dalawang-Yugtong Rebolusyon.):

6.1 Pinalitan ang Seksyon 2 ng Kabanata II.

6.2 Idinagdag ang Seksyon 3 sa Kabanata II.

6.3 Isinaayos ang Seksyon 4 ng Kabanata II.

7. Nilinaw sa Muling Pagtibayin ang Ating Mga Saligang Prinsipyo at Iwasto ang mga Pagkakamali, Ang Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong Bilang Gabay sa Rebolusyong Pilipino,at Programa ng Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas ang nasyunalisasyon ng mga lupaing pag-aari ng mga panginoong maylupa, malalaking burgesyang komprador at mga imperyalista bilang bahagi ng maksimum na programa ng rebolusyong agraryo. Alinsunod dito:

7.1 Isinaayos ang Seksyon 2 ng Kabanata II, gayundin ang Seksyon 9 ng Kabanata VI.

7.2. Isinaayos ang Seksyon 1 at Seksyon 2 ng Kabanata IV

7.3 Isinaayos ang Seksyon 11 ng Kabanata V upang linawin na ang lupang maaaring ipagbili ng benepisyaryo ng reporma sa lupa ay ang lupang dating pag-aari niya bago pa mamahagi ng lupa.

8. Idinagdag ang Seksyon 15 sa Kabanata III upang ilinaw na bahagi ng minimum na programa ang kampanya para sa pagpapataas ng produksyon ng masang magsasaka.

9. Idinagdag sa Seksyon 5, Kabanata II ang paglalabas ng gabay ng mga Komite ng Partido sa mga rehiyon sa pangangasiwa at paggamit ng mga abandonado at tiwangwang na mga lupa.

10. Idinagdag sa Seksyon 2, Kabanata IV ang �pamamahaging per capita�

11. Idinagdag ang Seksyon 8 sa Kabanata IV.

12. Idinagdag sa Seksyon 2 ng Kabanata VI ang mga puntong kaugnay ng parehas na sahod sa parehas trabaho, ilang probisyon tungkol sa kababaihang manggagawa.

13. Idinagdag ang Seksyon 2 sa Kabanata VII kaugnay ng mga lupang ninuno ng mga pambansang minorya.

14. Sa Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid:

14.1 Inilagay ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid o PKM bilang upisyal na pangalan sa ng samahan.

14.2 Idinagdag ang Artikulo II.

14.3 Idinagdag ang Seksyon 14 ng Artikulo III.

14.4 Idinagdag sa Seksyon 11 ng Artikulo IV ang probisyon tungkol sa paghahalal ng pangalawang tagapangulo sa kalusugan.

Kalakip din ang mga kaugnay na dokumento: �Ang Nasyunalisasyon ng Lupa at ang Rebolusyonaryong Programa sa Reporma sa Lupa� �Balangkas Para sa Pag-aaral ng Rebolusyonaryong Gabay sa Reporma sa Lupa�

KTKS

Nobyembre 2002


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.