![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Patuloy na umaani ng maniningning na tagumpay ang Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang mga tagumpay na ito ay akmang tugon sa panawagan ng PKP na itaas ang antas ng digmang bayan. Albay. Matagumpay na tinambangan ng isang platun ng BHB sa ilalim ng Santos Binamera Command ang mga tropa ng Alpha Coy, 22nd IB ng Philippine Army sa Barangay Pinamaniquian, Ligao City noong umaga ng Abril 17. Nasamsam ng mga Pulang mandirigma ang anim na matataas na kalibreng baril. Lima ang nalipol kabilang ang isang Sarhento, dalawang korporal at dalawang karaniwang sundalo. Siyam na sundalo ang sugatan kabilang ang kanilang kumander na si 1Lt. Vladimir Sta. Maria. Walang anumang pinsalang tinamo ang BHB.
Pampanga. Matagumpay na sinalakay ng mga Pulang mandirigmang sakay ng isang trak ang Kababayan Center ng PNP sa Barangay San Antonio, Arayat noong gabi ng Abril 11. Dalawa ang napatay at sugatan ang isang pulis at isang CAFGU. Kinumpiska ang kanilang tatlong ripleng M-14 at isang M-16. Sa unang bugso ng mga putok tinamaan kaagad ang isang CAFGU at napatay. Tumangkang lumaban ang mga nabiglang kaaway ngunit madali silang nagapi at napasok ang detatsment. Sa kasamaang palad, nahagip ng bala at napatay ang isang sibilyang nakikipanood ng telebisyon sa detatsment. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|