Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Lumalakas ang BHB sa Mindanao

 Read this article in English

Sa kasalukuyan, kumikilos ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa 19 prubinsya at sa mahigit 200 sentrong bayan at syudad sa isla ng Mindanao. Nakalatag sa buong isla ang 35 larangang gerilya na patuloy na lumalawak at nadadagdagan. Umaabot sa ilang libong baryo ang nakikilusan at mahigit daan-daang libong mamamayan ang nakapaloob at naiimpluwensyahan ng Pulang kapangyarihan. Kumpara sa nakaraang taon, lumaki ng 36% ang kinikilusang mga baryo at nadagdagan ng ilampung libo ang organisadong mamamayan.

Nakapaglunsad ng mahigit 100 taktikal na opensiba (TO) ang BHB sa iba�t ibang panig ng isla mula nakaraang taon. Pinakahuli dito ang matagumpay na reyd sa armori ng Paper Industries Corp. of the Philippines (PICOP) sa Bislig City, Surigao del Sur nitong Marso 21. Nakaagaw dito ng 92 HPR o matataas na kalibreng armas at mga bala. Pinakatampok rin ang sumusunod:

(a) reyd sa kapitolyo ng Mati, Davao del Norte, 7 HPR ang nasamsam;

(b) ambus sa isang kumpanya ng 72nd IBPA sa Talaingod, Davao del Norte, 9 HPR ang naagaw;

(k) reyd sa Talacogon, Agusan del Sur, nakasamsam ng 10 HPR. Ang unang tatlong TO ay inilunsad lahat nitong nakarang Pebrero;

(d) Reyd sa munisipyo ng Carmen, Agusan del Norte noong Disyembre 2002, nakasamsam ng 9 HPR;

(e) reyd sa Maco, Compostela Valley noong Setyembre 2002, nakasamsam ng 27 HPR at maraming bala.

Matagumpay ding naisulong ng BHB ang minimum na programa ng rebolusyong agraryo na lubos na ikinatuwa at pinakinabangan ng mamamayan. Maraming larangang gerilya sa Mindanao ang nakapaglunsad ng iba�t ibang porma ng antipyudal na aksyong masa tulad ng pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapababa ng upa sa lupa, pagpapataas ng mga presyo ng mga produkto at iba pa. Libu-libong mamamayan ang nabenepisyuhan ng mga paglabang ito. Sa hilagang gitnang Mindanao, mahigit 30 baryo ang nakapaglunsad ng mga antipyudal na pagkilos at mahigit 3,500 mamamayan ang direktang nakinabang.

Dumami ang mga pangunahing yunit gerilya sa mga larangang gerilya at rehiyon at patuloy ding pinauunlad ng BHB dito ang mga teknik at taktika sa pakikidigmang gerilya.
Sa hilagang silangang Mindanao mahigit 30 baryo ang naglunsad ng mga pagkilos at mahigit 5,500 mamamayan ang nakikinabang sa tagumpay nito. Sa timog Mindanao, ang malawakang pagkilos ay umabot sa 71 baryo sa 14 sentrong bayan at nilahukan ito ng libu-libo katao. May mga aksyong masa rin sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Patuloy na lumalawak ang BHB sa Mindanao. Umaabot sa ilang libo at lumaki nang 20% sa nakaraang taon ang bilang ng mga mandirigma rito. Dumami ang mga pangunahing yunit gerilya sa mga larangang gerilya at rehiyon. Patuloy ring pinauunlad ng BHB dito ang mga teknik at taktika ng kanilang mga yunit gerilya. Bukod sa matatagumpay na mga TO, may mga pagkakataong naagaw ng BHB ang inisyatiba sa umaatakeng kaaway na mas malaki at mas nakakalamang ang pormasyon.

(Halaw sa pahayag na pagbati ng National Democratic Front-Mindanao sa okasyon ng ika-34 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan noong Marso 29.)

 


Previous articleBack to topNext article

21 Abril 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Biguin ang pagpataw ng US ng imperyalistang kapangyarihan sa buong daigdig

Mga aral sa 12 taong imperyalistang kampanya ng paglupig sa Iraq
Ang pagpataw ng bagong "Pax Americana"
Denasyunalisasyon, pribatisasyon at pandarambong sa ngalan ng "rekonstruksyon"
Pista ng mga bwitre
Sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag
NDF: Di magigibang moog ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino

Mga Ulat Koresponsal:
Lumalakas ang BHB sa Mindanao
Matagumpay na opensiba ng BHB:
Aktibong depensa sa Bulacan

Matagumpay na opensiba ng BHB:
Armadong pagkikibaka, patuloy na sumusulong

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.