![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Inilalathala ng Ang Bayan ang pahayag ng kumand ng Bagong Hukbong Bayan-Eastern Bulacan kaugnay ng pangungubkob ng magkasanib na tropa ng AFP at PNP sa mga Pulang mandirigma sa Eastern Bulacan noong Marso 29, 2003. Ang pahayag na ito ay sagot ng BHB sa mga pahayag ng PNP at AFP na naglubid ng balitang nakapatay daw sila ng 20 Pulang mandirigma sa naturang labanan. Maningning na halimbawa ang naganap na paglaban ng BHB sa mahusay na paggamit ng mga taktikang gerilya upang gapiin ang mas malakas na kaaway. Ipinakita rito ang kagitingan ng mga Pulang mandirigma at ang hindi matatawarang pagsuporta ng masa sa BHB. Aming pinabubulaanan ang mga pahayag ng pulisya at militar hinggil sa naganap na labanan noong Marso 29, 2003 sa bayan ng Angat, Bulacan. Ang pinagsasabi ni AFP Maj. Gen. Alberto Braganza ng 7th ID at PNP Supt. Felizardo Serapio ay pawang kasinungalingan at malinaw na palatandaan ng kanilang malaking katangahan. Isang platung binubuo ng dalawampu't lima katao ang napalaban sa araw na iyon. Sila ay naroon sa baranggay Pulong Yantok upang maglunsad ng pulong pag-aaral bilang paggunita sa ika-34 na anibersayo ng Bagong Hukbong Bayan. Bandang alas 5:30 ng umaga, namataan ng BHB ang paparating na pinagsanib na pangkat ng PNP at 56th IB ng Philippine Army. Nasa bentaheng posisyon ang mga Pulang mandirigma at una itong nakapagpaputok sa lumulusob na kaaway. Dito pa lamang, marami nang tinamaang pulis at militar. Sa panig ng BHB, isa ang nasugatan at nasawi, si Norbel "Ka Carmi" Ortega ng Norzagaray, Bulacan. Sa kanilang pagmamaniobra, ang naturang platun ng BHB ay nakarating na sa barangay Siling Matanda, Pandi, nang magpasya itong abangan at pinsalain ang sumusunod na kaaway. Pumusisyon ito sa mataas na burol at hinayaang makalapit nang hanggang sampung metro ang mga pulis at militar. Nalipol agad ang isang pangkat ng sumusunod na kaaway,
Nagulat ang mga Pulang mandirigma sa di-inaasahang malaking katangahan ng mga upisyal ng PNP at AFP. Walang awa nilang pinalusob nang paulit-ulit ang kanilang mga tauhan kahit alam nilang mahirap lapitan ang pwesto ng mga Pulang mandirigma. Kahit nga ang dalawang armored personnel carrier (APC) ay hindi nagawang makaahon at makalapit sa pusisyon ng BHB. Sa buong maghapong matinding palitan ng putok, kitang-kita ang di bababa sa dalawampung nakatimbuwang na pulis at militar sa gitna ng pusisyon ng dalawang panig. Sa bahagi ng BHB, isa pang mandirigma, si Arnel "Ka Gerald" San Juan, ang nag-alay ng buhay. Pagsapit ng dilim, tahimik na umalis ang mga Pulang mandirigma. Tuwang-tuwang sinalubong sila ng masa sa isang ligtas na lugar at inalayan ng malamig na tubig, tinapay at kendi. Nagbunyi ang mamamayan sa tagumpay ng BHB at sa kabayanihan ng dalawang martir ng sambayanan. Ang kasinungalingan ni Gen. Braganza at Supt. Serapio ay bahagi ng taktikang psywar ng AFP at PNP para pagtakpan ang sunudsunod na pagkatalo nila sa labanan at siraan ang rebolusyonaryong kilusan. Kabilang din sa kanilang psywar ang pagpatay kay Michael Santiago, isang barangay tanod ng San Roque, San Rafael, Bulacan at walang anumang kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Matapos paslangin si Santiago, binihisan siya ng pinaglumaang uniporme ng BHB at pinalabas na may engkwentrong naganap sa Pasong Intsik, San Rafael. Ngunit ang anumang kasinungalingan ng pasistang militar ay hindi makapagtatatwang mabilis na sumusulong ang rebolusyon tungo sa tagumpay.
Si Ka Carmi naman ay 23 taong gulang na mula sa angkan ng mga pulitiko sa lalawigan ng Palawan. Naninirahan siya sa bayan ng Norzagaray kung saan siya naugnayan at namulat. Madaling naunawaan ni Ka Carmi ang katumpakan ng simulain ng rebolusyon at ang papel ng kabataan sa pagbabago ng lipunan. Sumapi agad siya sa Kabataang Makabayan at naging aktibo sa pag-oorganisa sa kanilang komunidad. Nag-boluntaryo at hindi nag-atubili si Ka Carmi na sumapi sa hukbong bayan nang malaman niyang kailangang palakasin ang yunit sa kanilang lugar. Halos dalawang buwan pa lamang sa loob ng yunit si Ka Carmi ngunit kinakitaan na siya ng kahusayan. ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|