|
Mga pakinabang ng mamamayan mula sa kasunduan sa Oslo
Sa kabila ng mga pihit sa katatapos lamang na yugto ng prosesong pangkapayapaan, mayroong mga taktikal na tagumpay na nakamit ang PKP, NDFP at rebolusyonaryong kilusan sa seryeng ito na maaaring pakinabangan ng mamamayan, maliban na lamang kung garapalang labagin ito ng GRP.
Sa minimum, pakikinabangan ng mamamayan ang kasunduan sa Oslo sa pamamagitan ng inaasahang pagpapalaya ng mahigit 300 bilanggong pulitikal, indemnipikasyon ng 10,000 biktima ng batas militar (alinsunod sa listahang dati nang isinumite ng NDFP) at pagtatayo ng Joint Monitoring Committee para magsilbing daluyan ng mga reklamo ng milyun-milyong mamamayang biktima ng militarisasyon, mga abusong militar at iba pang paglabag sa kanilang karapatang-tao.
Bubuuin na ang Reciprocal Working Committees on Social and Economic Reforms na siyang maghahanda ng burador para sa ikalawang paksa sa substantibong adyenda ng usapang pangkapayapaan.
Muli ring pinagtibay ang The Hague Joint Declaration ng 1992 bilang balangkas sa usapan sa halip na ang panukalang Final Peace Agreement na unilateral na binalangkas ng Malakanyang para magsilbing kasunduan ng pagsuko. At pinalaki ang papel at naging mas aktibo ang gubyerno ng Norway bilang ikatlong partido sa usapan, bagay na nagsisilbing pagkilala sa belligerency status ng NDFP.
Maaaring makakuha pa ang mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ng karagdagan pang tagumpay batay sa tatakbuhin ng mga susunod pang serye ng usapan.
|
|
21 Pebrero 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|