|
Iligal ang security barrier ng Israel
UMANI rin kamakailan ng kabiguan sa pandaigdigang korte ang gubyerno ng Israel, na pangunahing alyado ng US at katuwang nito sa pagpapatupad ng imperyalistang agresyon sa Middle East. Idineklara ng International Court of Justice (ICJ) nitong Hulyo 9 na iligal ang pagtatayo ng "security barrier" ng Israel sa loob ng West Bank. Ang ICJ, na tinatawag ding World Court, ang kataas-taasang hudisyal na awtoridad ng UN. Ayon sa korte, "katumbas ng pananakop" ang pagtatayo ng naturang pader at nararapat na itigil kaagad. Ipinagigiba rin nito ang pader na naitayo na. Ang pagtatayo ng naturang pader ay lantarang sinusuportahan ng US at UK. Nauna nang nagpahayag ang dalawang imperyalistang bansa na hindi dapat makialam ang korte sa naturang usapin. Sa 15 huwes ng ICJ, tanging si Thomas Buergenthal ng US ang sumalungat sa desisyon. Bagamat hindi maoobliga ang Israel na tumalima sa desisyon ng ICJ, at sa katunaya'y tahasan itong sumusuway sa hatol, may malaking kabuluhan ang desisyon lalupa't ang naturang kaso ay isinampa hindi lamang ng Palestine kundi ng General Assembly o buong kapulungan ng UN. Pinagtitibay ng pasya ng korte ang makatarungang batayan ng pagtutol ng mga mamamayan at bansa sa daigdig sa pangaapi ng Israel sa Palestine at sa pagsuporta ng US dito.
|
|
21 Hulyo 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|