![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa ika-34 anibersaryo nito, lubos ang kahandaan ng BHB na ibayong isulong ang digmang bayan Prinsipal na tungkulin ng BHB at buong rebolusyonaryong kilusan ang pagsusulong ng digmang bayan. Lalong kailangang pahigpitin ang kapit sa tungkuling ito sa harap ng umiigting na pambansa at pandaigdigang krisis ng naghaharing reaksyunaryong sistema. Lalong nabubulok at bumabangis ang paghahari ng imperyalismo at reaksyon at lumalakas ang pakikibaka ng mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan para sa demokrasya, pambansang kalayaan, katarungan at kapayapaan. Bilang na ang mga araw ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Dahil desperadong isalba ang sarili, lalo pa nitong pinasasahol ang todo-todong kontra-rebolusyonaryong gera kasabay ng lalong pagpapalawak at pagpapalalim ng interbensyong militar ng US sa Pilipinas. Walang lubay ang mga atake nito sa mga rebolusyonaryong pwersa at baseng masa. Pero dahil wala itong pag-asang manalo sa BHB at Moro Islamic Liberation Front (MILF), nagkukutsaba ang rehimen at ang US upang direkta na ring maipakat ang mga pwersang Amerikano laban sa mga rebolusyonaryong pwersa. Pinipilit nilang gamitin ang "gera kontra-terorismo" upang bigyang-katwiran ang panggegera sa mga rebolusyonaryong pwersa sa Pilipinas. Sa harap ng malakas na pagtutol ng mamamayan at pati ng reaksyunaryong oposisyon at paglalantad sa mga kasinungalingan ng rehimen, naubusan na ng katanggaptanggap na dahilan ang sabwatang Bush at Macapagal-Arroyo upang bigyang-katwiran ang tuwirang agresyon ng US sa bansa. Nagpakulo sila ng pambobomba sa Davao City at iba pang lugar sa Mindanao para ibintang nang tuwiran sa MILF at nang di-tuwiran sa BHB. Binitiwan na nila ang kunwa'y pagtugis sa Abu Sayyaf at tahasan nang ipinahayag ang balak na pagpakat ng tropang pangkombat ng US sa mga base ng mga rebolusyonaryong pwersa: sa North Cotabato, isa sa mga base ng MILF, at sa Occidental Mindoro, Quezon at Compostela Valley, na mga base naman ng BHB. Para bigyang-daan ito, sa tulak din ng US ay sinagasaan ng rehimen ang usapang pangkapayapaan sa NDFP at sa MILF. Sa halip, ibayong pinatitingkad ng sabwatan ng Bush at Macapagal-Arroyo ang pamamaraang militar na pangunahing aasa na sa agresyong US sa tangkang sugpuin ang rebolusyonaryong kilusan. Para mabigyang-katwiran ang mga ito, ipinaggigiitan ng US at ng papet na rehimen ang deklarasyon na "terorista" ang Partido Komunista ng Pilipinas, BHB at si Kasamang Jose Ma. Sison. Idinedeklara na rin ngayon ng papet na rehimen na "terorista" ang MILF.
Pananatilihin ng BHB ang kabuuang depensibong tayo nito sa kasalukuyang yugto ng digmang bayan. Gayunman, alinmang pwersang pangkombat ng US na papakat sa loob o sa kanugnog ng mga teritoryo ng rebolusyonaryong kilusan ay magiging target ng atake ng BHB at mamamayan. Mananatili ring puspusan ang pagkilos ng Partido, BHB at buong rebolusyonaryong kilusan upang biguin ang dayuhang agresyon at palayasin ang mga dayuhang tropa sa Pilipinas. Binibigyang-diin ngayon ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan ang mas malawak na pagabot at pagpapakilos sa mamamayan, ang paghihiwalay at pagpapabagsak sa sagad-sagaring papet, mapaniil at bulok na rehimeng US-Macapagal-Arroyo, at paglaban sa tumitinding interbensyong militar ng US. Kukumprontahin at lalabanan nito ang mga susunod pang papet na rehimen. Nakahanda at mahusay na nakapakat ang Partido at mga rebolusyonaryong pwersa para sa lahatang-panig at ibayong pagpapalakas, higit na mabilis na pagsulong at malalaking pagsikad ng mga rebolusyonaryong pagsisikap sa taong ito at mga susunod na taon. Binibigyan ng partikular na atensyon ang ilang susing sangkap sa paghahanda ng hukbong bayan at pagsusulong ng armadong pakikibaka. Paghahanda na rin ang mga ito sa lalong nalalapit na posibilidad ng agresyong militar ng US laban sa mga rebolusyonaryong pwersa at baseng masa:
Inaasahan sa mga susunod na taon ang mas marami, mas madalas at mas laganap na mga taktikal na opensiba laban sa mga yunit ng AFP, PNP at paramilitar na umaatake sa rebolusyonaryong kilusan, gayundin laban sa mga may malalaking pagkakasala sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. ![]()
|
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|