![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Tinatalikuran ng GRP ang Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas sa kabila ng pagkakapirma rito ng pangulo nilang si Joseph Estrada. Ang gubyernong bantog sa pambabaluktot sa mga prosesong konstitusyunal at ligal para maitaguyod ang interes ng imperyalismong US at malalaking asendero at burges-kumprador ay pilit ngayong nagtatago sa likod ng konstitusyunalismo para makaiwas sa mga obligasyong pinasukan nito sa Kasunduan. Gayumpaman, mahalagang ipalaganap ang Kasunduan upang itaguyod ito ng malawak na masa ng sambayanan. Kung ayaw itong igalang ng GRP, hayaang maging tunay na pag-aari ito ng mamamayan. Sa pamamagitan ng kanilang rebolusyonaryong pakikibaka, ang masa ng sambayanan ay kayang magbigay-katuparan sa mga nilalayon ng Kasunduan, at higit pa. Sa mahabang kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka at mga negosasyong pulitikal sa bansa, wala pang iniluwal na dokumentong tulad ng Kasunduang ito, na naglalaman ng pormal na pagkilala ng reaksyunaryong gubyerno sa mga malawakang paglabag sa mga karapatang-tao sa bansa; nag-oobliga sa reaksyunaryong gubyernong kilanlin ang buong saklaw ng mga karapatang-tao laluna ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralitang lunsod, manggagawang migrante, pambansang minorya, kababaihan, kabataan at mga bata; nagtatakda ng mga kongkretong hakbang para ituwid ang mga paglabag sa mga karapatang-tao at bigyan ng katarungan ang mga biktima; at kumikilala sa sariling integridad ng rebolusyonaryong kilusan at nagbibigay dito ng karampatang pwesto sa pagharap at paglutas sa mga kaso ng paglabag sa mga karapatang-tao. Buong saklaw ng mga karapatang-taoItinataguyod ng Kasunduan ang buong saklaw ng mga karapatang-tao sa larangan ng pulitika, ekonomya, lipunan at kultura. Ginagarantiyahan nito ang mga demokratikong karapatan ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralitang lunsod, manggagawang migrante, pambansang minorya, kababaihan, kabataan at mga bata. Ang Artikulo 2 ng Ikatlong Bahagi ng kasunduan ay naglalaman ng 25 malinaw na probisyon hinggil sa saklaw ng mga karapatang-tao. Tampok sa mga ito ang karapatan ng mamamayan sa kapaki-pakinabang na empleyo at makataong kundisyon sa paggawa, libreng edukasyon hanggang hayskul at batayang serbisyong pangkalusugan; at karapatang tutulan ang isang mapang-api at tiranikong rehimen. Tahasang kinilala ang karapatan ng mga magbubukid na magmay-ari ng lupang sinasaka. Kinilala rin ang reporma sa lupa bilang pangunahing hakbang para kamtin ang demokrasya at katarungang panlipunan. Itinatakda ang pagbibigay-katarungan sa mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao. Iginagalang at itinataguyod sa Kasunduan ang hangarin sa indemnipikasyon ng mga biktima ng paglabag sa mga karapatang-tao ng pasistang diktadurang Marcos. Inoobliga rin ang GRP na repasuhin ang mga kaso, kilanlin at palayain ang mga bilanggong pulitikal. Upang hadlangan ang paglabag sa mga karapatang-tao, dapat gumawa ng mga hakbang ang GRP upang mapawalambisa ang mga mapanupil na batas, dekreto at kautusang ehekutibo. Paggalang sa Internasyunal na Makataong BatasAng Ikaapat na Bahagi naman ng kasunduan ay naglalaman ng mga partikular na probisyon hinggil sa paggalang sa internasyunal na makataong batas. Pinagtitibay nito ang mga pandaigdigang instrumentong sumasaklaw sa mga batas ng digmaan at protokol na dapat sundin ng mga nagtutunggaling pwersa sa isang gera sibil. Ang mga pamantayang itinataguyod nito ay higit pa sa nakasaad sa Mga Kumbensyon ng Geneva ng 1949 at Protocol I ng 1977. Ang mga prinsipyo ng internasyunal na makataong batas ay inilalapat sa:
Ipinagbabawal ng Kasunduan ang anumang uri ng paglapastangan sa mga karapatan ng sinumang naihanay sa itaas sa lahat ng pagkakataon at sirkunstansya. Ang mga sibilyan ay pinag-iiba sa mga mandirigma at kung gayon ay di dapat maging target ng pambobomba, istraping, panganganyon, pagmomortar at panununog. Ayon sa Kasunduan, dapat repasuhin at baguhin ng AFP at PNP ang mga programa, proyekto, kampanya at gawi tulad ng pwersahang pagpapalikas at rekonsentrasyon (hamletting) ng mga sibilyan na nagreresulta sa pagkawasak ng buhay, kabuhayan at ari-arian ng mamamayan. Hindi maaaring maging target ng anumang pag-atake ang mga tauhan at pasilidad ng mga eskwelahan, propesyong medikal, institusyong relihiyoso, lugar ng pagsamba, mga sentro ng ebakwasyon at mga programa at proyektong panaklolo. Itinatakda rin ng Kasunduan ang pagrepaso ng GRP sa patakaran o kalakaran nitong magbuo ng mga grupong paramilitar tulad ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at Civilian Volunteers� Organization (CVO). Isinaad rin ang karapatan ng mamamayang hilingin ang pagbawas sa mga gastusing militar upang maibaling ito sa mga proyektong panlipunan, pang-ekonomya at pangkultura. May karapatan ang mga biktima ng pang-aabuso na kamtin ang katarungan at tumanggap ng indemnipikasyon. May karapatan din silang igiit na imbestigahan, litisin at lapatan ng angkop na aksyong pandisiplina ang mga lumabag sa internasyunal na makataong batas. Itinatakda sa Kasunduan na kailangang maglunsad ng mga kampanyang edukasyon hinggil dito.
Komite sa Magkasamang PagmomonitorPara matupad, mamonitor, makumpirma at matiyak ang pagtalima sa mga probisyon ng Kasunduan, bubuuin ang Komite sa Magkasamang Pagmomonitor. Bawat panig ay maghihirang ng tatlong kagawad at magnonombra bilang tagamasid ng dalawa pang kinatawan ng mga organisasyon ng karapatang-tao. Ang dalawang pangunahing kinatawan ng magkabilang panig ang tatayong magkatuwang na tagapangulo ng Komite. Tatanggap sila ng mga reklamo ng paglabag sa Kasunduan at mga kaukulang impormasyon. Sa pamamaraang konsenswal, maaaring hilingin ng Komite na imbestigahan ng sangkot na partido ang reklamo laban dito at mula rito�y magrekomenda ng kaukulang aksyon. Hindi lamang ang paglabag sa mga karapatang-tao sa kapanahunan ni Estrada ang sasaklawin ng gawain ng Komite. Maging ang malalalang pang-aabuso sa karapatang-tao at sa internasyunal na makataong batas ng mga nagdaang rehimen ay rerepasuhin. Magiging higit na makabuluhan ang komiteng ito kaysa sa Commission on Human Rights ng reaksyunaryong estado na walang ibang silbi kundi ang maging taga-abswelto ng GRP at mga ahensya nito. Kaugnay pa rin ng pagbubuo ng Komite, may resolusyon ang PDPP na magtatayo sa loob at labas ng bansa ng mga tanggapang pangkarapatang-tao. Ito ay mapaiilalim sa pangangasiwa, kontrol at direksyon ng mga kagawad ng PDPP na nasa Komite. Isinasaad sa Kasunduan na kagyat itong ipatutupad matapos pagtibayin ng mga prinsipal ng dalawang panig. Ang paglagda rito ay nangangahulugan ng walang-pasubaling kahandaang ipatupad ang mga probisyon nito. Isinasaad rin na ang dalawang panig ay magsasabalikat ng magkakahiwalay na tungkulin at responsibilidad para itaguyod, pangalagaan at ipalaganap ang mga karapatang-tao at prinsipyo ng internasyunal na makataong batas alinsunod sa kani-kanyang mga prinsipyo sa pulitika, mga organisasyon at katayuan. ![]()
|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|