Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga ulat koresponsal:
Mga intriga ng AFP, pinabulaanan

 Read this article in English

Malaking kasinungalingan! Ito ang idineklara ni Jorge �Ka Oris� Madlos, tagapagsalita ng NDF-Mindanao, sa ikinakalat na bungkos ng itim na propaganda ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa desperasyong matabunan ang mga tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at ang pagkakahiwalay ng AFP sa mamamayan bunga ng malawakang paglabag sa karapatang-tao, nagpakawala ito ng mga pinaghalong bahagyang katotohanan, hakahaka, o kundi man, mga gawa-gawang istorya:

  • Ibinalita ng AFP noong Abril 4 na may dalawang gerilya ng BHB na napatay sa isang engkwentro sa pagitan nila at 9th IB sa Lantad, Balingasag, Misamis Oriental. Nang imbestigahan, lumabas na dalawang CAFGU ang namatay at limang tropa ng 9th IB ang nasugatan. Naagawan pa sila ng BHB ng isang M14.
  • Hinoldap diumano ng BHB noong Abril 2 ang pangkat ni ex-Mayor Orquina sa Barangay Hinatigan, Bakwang, Surigao del Norte. Pinatay ang kanyang eskort at nilimas pa ang kanilang mga armas at personal na kagamitan. Pero nabunyag na ang may kagagawan nito ay mga lokal na bandido, na may kontak sa militar. Isa rito ay si SPO2 Allan Ebol.
  • Mababa na raw ang moral ng BHB. At patunay nito, ayon sa militar ay ang pagsuko ng may 50 rebelde sa Agusan at Surigao del Norte. Pero ang totoo: Ang mga ito ay mga huwad na surenderi�mga pinagsamang huwad na gerilya ng BHB at lokal na bandido na paulit-ulit pinasusuko ng pamunuan ng 4th ID. Sa ganitong malaking raket, nakakamal ng mga upisyal ng militar ang mga pondo para sa �peace and order� at �rebel returnee�.
  • Muling naglaway ang mga bayarang propagandista ng militar dahil anim ang napabalitang napatay na Pulang mandirigma sa isang engkwentro laban sa 36th IB sa Barangay Awaw, Monkayo, Compostela Valley noong Marso 30.
  • Ang naengkwentro ng 36th IB ay ang panatikong grupong Remnants of the Family of God na inorganisa at pinopondohan ng AFP. Isang sundalo at anim na kasapi ng armadong kulto ang namatay at nasugatan ang isang elemento ng CAFGU.
  • Sinalakay ng mga tropa ng AFP ang isang grupo ng BHB sa Barangay Salug, Agusan del Sur. Naagaw daw ang apat na armas nito. Ang totoo, isang asset ng Philippine Army ang nagnakaw ng mga armas na pag-aari ng mga lokal na residente. Walang putukang nangyari.
  • "Sila-sila mismo ang nagpapatayan...," hiyaw ng militar. Anim umano ang namatay na mga Pulang mandirigma nang magkaengkentro ang dalawang yunit noong Marso. Nang masiyasat, walang nangyaring insidente sa nabanggit na hangganan ng La Paz, Agusan del Sur.
  • Napatay diumano ng AFP ang walong Pulang mandirigma sa isang engkwentro sa Alegria, Surigao del Norte noong Marso 11, 2004. Ang totoo, tatlong kasama ang nasawi, at hindi walo, tulad ng ibinalita ng militar.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Abril 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan ang pagpapatupad ng JMC

Pulang pagpupugay kay Silvino �Ka Bino� Clamucha
Mga ulat koresponsal:
Mga intriga ng AFP, pinabulaanan
Mga ulat koresponsal:
Tuloy ang pakikibaka para sa lupa sa Hacienda Luisita

Sa ibayong dagat: Bagong antas ng pakikibaka sa Iraq
Sa ibayong dagat:
Sharon Plan, isang tusong pakana

Balita:
Mga kasapi ng KARAPATAN, ginawang hostage ng militar

Balita:
KAGUMA, 33 taon na

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.