Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Paghandaan ang pagpapatupad ng JMC

 Read this article in English

Nakapagpulong na ang Joint Monitoring Committee (JMC) na siyang mangangasiwa sa implementasyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Kapakipakinabang sa sambayanan at rebolusyon ang pagbubuo at pagpapagana ng JMC laluna sa harap ng paparaming kaso ng pasistang abuso kaakibat ng pag-igting ng �gera laban sa terorismo.� Ito ang tatanggap at mag-iimbestiga sa mga reklamo ng paglabag sa CARHRIHL.

Ang CARHRIHL ay umiiral bilang mahalagang dagdag na pamantayan sa paggalang sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas.

Nilalaman nito ang buong saklaw ng mga karapatang-tao na kinabibilangan ng mga karapatang sibil at pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura. Batay ito sa pinagdaanan at mga kongkretong karanasan ng sambayanang Pilipino at sa umiiral na sitwasyon sa bansa.

Taliwas ang CARHRIHL sa kasalukuyang kondukta ng isinasagawang kontra-rebolusyonaryong digma ng estado na walang sinasantong batas.

Makatutulong ang CARHRIHL bilang dagdag na gabay at mga paalala sa mga rebolusyonaryong pwersa kaugnay ng mahusay na kondukta sa pagharap nila sa masa at sa kaaway. Sa pagtalima rito, higit nating maipakikita na ang Partido at BHB ay prinsipyado, disiplinado at maka-mamamayang mga rebolusyonaryong organisasyon. Mapabubulaanan nito ang �teroristang� bansag na ikinakabit ng imperyalismong US at ng papet na rehimen sa Partido at BHB. Higit dito, patitingkarin nito ang terorismo, pagkapasista at pagiging mapang-api at mapang-abuso ng mga sandatahang pwersa ng kaaway.

Sa pamamagitan ng edukasyon at propaganda sa mamamayan tungkol sa CARHRIHL, maaarmasan sila ng dagdag na kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan at kung ano ang dapat gawin sa harap ng panunupil at mga paglabag ng kaaway.

Nagpahayag ng malakas na pagtutol sa CARHRIHL ang AFP at hindi natin inaasahang seryosong palalaganapin ito sa kanilang hanay, sa PNP at mga elemento ng CAFGU. Pero palaganapin pa rin natin ito sa kanilang hanay, laluna sa nakabababang upisyal at ordinaryong sundalo, upang mahimok silang galangin ang mga probisyon nito.

Ang JMC ay malayong mas mainam na dulugan ng mga reklamo laban sa mga abusong militar kaysa sa Commission on Human Rights na nagsisilbi lamang sa GRP. Ang paglalantad sa JMC ng mga kasong ito ay maaaring makarenda sa labis-labis na pang-aabuso at paglabag ng kaaway.

Dapat ituro natin sa mga pwersa, baseng masa, alyado at mamamayan ang mga ispesipikong hakbangin sa pagmamaksimisa sa JMC.

Kailangang ilatag at palakasin natin ang malawak na makinarya at mabilis na sistema ng pagsubaybay, pagdodokumento, pag-uulat at paglalantad sa publiko ng mga kaso ng paglabag ng AFP, PNP, CAFGU at iba pang pwersa ng kaaway.

Kasabay ng pagdaloy ng mga impormasyon sa linya ng mga hayag na makinarya, kailangan ding mahigpit na masubaybayan ng mga kinauukulang komite ng Partido at kumand ng BHB ang mga usapin at kaso sa iba't ibang antas. Kailangang mas palakasin ang sistema ng pag-uulat at pagsubaybay sa mga sagupaan at insidenteng militar mula sa mga yunit ng BHB at lokalidad tungo sa mga prubinsya at rehiyon, hanggang sa pambansang antas. Responsibilidad ng mga namumunong komite sa rehiyon ang agarang pagsasaayos sa kani-kanilang saklaw at pagbubuo ng mabilis na ugnayan sa kinatawan ng NDFP sa JMC at iba pang pambansang organo.

Palawakin at pasiglahin natin ang mga aksyon at protestang masa para ilantad, kundenahin at labanan ang mga paglabag sa mga karapa-tang-tao at internasyunal na makataong batas. Paigtingin natin sa pamamagitan ng JMC, masmidya, mga aksyong masa at iba pang paraan ang paglalantad at pagkundena sa mga pinakamalaki at pinakamasahol na mga pasistang berdugo.

Sa paggana ng JMC, asahan nating sisikaping magamit ito ng GRP para siraan ang Partido, BHB at rebolusyonaryong kilusan.

Kasabwat ang sarisaring kontra-rebolusyonaryo, tiyak na magpapakana ang GRP ng mga gawa-gawang kaso ng mga aksyong terorista at paglabag ng BHB sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas.

Kabilang sa mga gawa-gawa nilang isyu ang umano�y mga asasinasyong pulitikal, ekstorsyon, pagrerekut ng mga menor de edad sa BHB at iba pa. Ang pagpapasinungaling sa mga ito ay kailangang maagap na isagawa. Responsibilidad ito ng mga namumunong kadre ng Partido.

Kaalinsabay, dapat maging matalas at masinop din tayo sa pagtaya sa mga implikasyon sa pulitika ng bawat taktikal na opensiba at operasyong militar.

Sa kalakha'y mataas na pinahahalagahan ng mga kadre, upisyal at Pulang mandirigma ang mga usapin sa pulitika sa pagsasagawa ng mga aksyong militar ng BHB. Gayunpaman, mahalagang mas pahigpitin pa ang pagtalima sa mga pamantayan ng Partido at CARHRIHL at iwasan ang mga kahinaan, kagyat na ituwid ang anumang pagkakamali sa ating panig at palakasin ang gawaing propaganda. Sikaping mahusay ang pagpapaliwanag ng mga yunit ng Partido at BHB hindi lamang sa baseng masa kundi sa malawak na publiko.

Sa katuus-tuusan, makakamit lamang ang mga pakinabang natin sa JMC sa pamamagitan ng puspusang pakikipaglaban din sa mga maniobra at mga pakanang psyops ng US, Malakanyang, AFP at iba pang kontra-rebolusyonaryo, sa loob at labas ng JMC.

Napakahalaga ng pukpukang pakikipaglaban sa propaganda at pagsagot sa mga paninirang anti-terorista ng kaaway at ng tuluy-tuloy na pagpalalawak at pagpapalalakas ng suportang pampulitika upang mahawan ang daan sa pagpapatindi ng ating armadong pakikibaka.

Mahigpit na hinihingi ito ng kasalukuyang napakalubhang krisis ng reaksyunaryong sistema at ng programa natin sa pagsusulong ng armadong rebolusyon sa higit pang mataas na antas.

 


 Back to topNext article

21 Abril 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan ang pagpapatupad ng JMC
Pulang pagpupugay kay Silvino �Ka Bino� Clamucha
Mga ulat koresponsal:
Mga intriga ng AFP, pinabulaanan

Mga ulat koresponsal:
Tuloy ang pakikibaka para sa lupa sa Hacienda Luisita

Sa ibayong dagat: Bagong antas ng pakikibaka sa Iraq
Sa ibayong dagat:
Sharon Plan, isang tusong pakana

Balita:
Mga kasapi ng KARAPATAN, ginawang hostage ng militar

Balita:
KAGUMA, 33 taon na

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.