Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Dalawang Pahayag
Hindi tutupdin ni Estrada ang kanyang pangako

 Read this article in English

ni Jose Maria Sison
Pangunahing Pampulitikang Konsultant
Negotiating Panel ng PDPP

Halaw sa pahayag noong Setyembre 13, 1998

Kaduda-duda kung totoong may balak si G. Joseph Estrada na ipatupad ang kanyang pangako na bigyangindemnipikasyon ang mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao... Mayroong hindi kukulangin sa limang palatandaan....

Una, bilang paglabag sa Pinagsamang Deklarasyon ng The Hague, iginiit (ni Estrada) ang pagsuko ng PDPP sa konstitusyunal na balangkas ng GRP bilang kundisyon... sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ng GRP-PDPP at pagpapatupad ng Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas...

Ikalawa, ibinabangga mismo ni Estrada si Robert Swift laban sa SELDA bilang lehitimong kinatawan ng mga biktima ng diktadurang Marcos...

Ikatlo, imbwelto (rin) si Estrada sa sarswela ng pamilyang Marcos kung saan urong-sulong si Imelda sa pag-alok ng benepisyo sa mga biktima ng diktadurang Marcos, at pumupostura naman si Estradang humihiling ng higit pa sa inaalok ni Imelda...

Ikaapat, nangako si Estrada na bibigyang-indemnipikasyon ang mga biktima ng Batas Militar para magpasikat at ibaling ang atensyon ng publiko mula sa iskandalosong katotohanang nababawi na ng pamilyang Marcos at ng pinakamalalaking kroni nito ang kumpiskado nilang kayamanan at muli na silang tumatamasa ng mga pribilehiyo para ibayong pagsamantalahan ang mamamayan at dambungin ang ekonomya.

Ikalima, pinanatili si Howard Dee bilang pinuno ng negotiating panel ng GRP dahil sa kanyang masamang gawi na piliting sumuko ang PDPP at ideklara ang pagbagsak at walang-taning na suspensyon ng mga pormal na pulong sa usapang pangkapayapaan ng GRP-PDPP.

Malinaw sa itinakbo ng panahon na hindi sinsero ang naging pakikitungo ng rehimeng Estrada sa PDPP. Dapat maghanda ang rebolusyonaryong mamamayan sa pag-igting ng armadong kontra-rebolusyon ng rehimeng US-Estrada. Ang rehimeng ito ay sadyang hindi makapagbibigay-katarungan sa mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Marcos; bagkus ay gagawa pa ito ng ibayong paglabag sa karapatang-tao.

 


Previous articleBack to top 

10 Disyembre 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Papanagutin ang GRP sa mga Obligasyon nito sa Kasunduan sa Karapatang-tao!

Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas
Makasaysayang Dokumento ng Pakikibaka ng Sambayanang Pilipino para sa Karapatang-tao

Ang pasikut-sikot na daan ng usapang pangkapayapaan
Pagtataguyod sa Rebolusyonaryong Integridad ng PDPP sa Usapang Pangkapayapaan
Dalawang Pahayag
Pahayag hinggil sa mga paghahabol kaugnay sa karapatang-tao sa ilalim ng Artikulo 5, ikatlong bahagi ng CARHRIHL

Dalawang Pahayag
Hindi tutupdin ni Estrada ang kanyang pangako
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.