![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Pinarusahan noong umaga ng Hunyo 7 sa Sta. Cruz, Angat, Bulacan si Supt. Tomas de Armas, hepe ng pulisya sa naturang munisipalidad. Ayon sa pahayag ng Front Operational Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Eastern Bulacan, si de Armas ay isa sa mga pangunahing kaaway ng rebolusyonaryong kilusan sa Angat. Siya ang nagbuo ng malawak na lambat-paniktik sa naturang bayan at tuwiran niyang pinamunuan ang maraming operasyong militar laban sa BHB. Tampok dito ang pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sa isang platun ng BHB noong Marso 29, 2003 na nagresulta sa 14 na oras na labanan. Nagsimula ang sagupaan sa Barangay Pulong Yantok, Angat at natapos ito sa Barangay Siling Matanda sa karatig na bayan ng Pandi. Dalawang mandirigma ang nagbuwis ng buhay subalit pitong pwersa ng kaaway, kabilang ang isang chief inspector ng PNP ang namatay. Dahil sa tinamo niyang kahihiyan, pinasabog at pinasunog ni de Armas ang mga bahay ng masa sa lugar pagkatapos ng labanan. Isa ring lokal na lider, si Jose "Ka Fidel" Manabat ang kanyang ipinahuli at ilang araw na pinahirapan sa isang safehouse ng yunit paniktik ng PNP sa Angat hanggang sa tuluyan itong mamatay. Nakinabang si de Armas sa porsyentong kanyang hinihingi mula sa isang sindikato sa iligal na droga na may operasyon mula sa Barangay Binagbag, Angat hanggang sa bayan ng Baliwag. Isa rin siya sa pinakamalalaking protektor ng iligal na sand quarrying sa Angat River na lubhang mapaminsala sa mamamayan sa lugar. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|