Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita

 Read this article in English

Mga manggagawa ng SM at Rustan's, nagwelga

Nitong Abril 9, buong tatag na ipinahayag ng libu-libong manggagawa ng SM na ipagpapatuloy nila ang kanilang welga sa kabila ng "return to work order" na ipinalabas ng Department of Labor and Employment noong Abril 2. Kasabay nito, kinundena rin ng mga manggagawa ang marahas na pagbubuwag ng piketlayn sa SM North Edsa.

Sa pangunguna ng Sandigan ng mga Manggagawa sa Shoemart (SMS), itinirik ng mga manggagawa rito ang kanilang piketlayn noong Marso 25 matapos tumanggi ang maneydsment na ituloy ang negosasyon para sa bagong collective bargaining agreement (CBA).

Kabilang sa mga iginigiit ng mga manggagawa ang P40/araw dagdag na sahod at dagdag na mga benepisyo. Iginigiit din nila ang pagreregularisa sa mga kontraktwal na mga manggagawa na pinagkakaitan ng mga karapatan sa seguridad sa trabaho, mga benepisyo at karapatang mag-unyon. Taun-taon, umaabot sa 80,000 kontraktwal na mga manggagawa ang iniempleyo at tinatanggal ng SM matapos ang anim na buwang kontrata. Karamihan sa kanila ay mga kabataang kababaihan.

Dagdag dito, ipinoprotesta ng mga manggagawa ang dinaranas na dobleng pang-aapi sa mga kababaihang manggagawa na bumubuo sa 85% ng pwersa sa paggawa ng SM. Obligado silang magsuot ng unipormeng napakaiksi at sapatos na may mataas na takong sa halos buong araw na nakatayong pagtatrabaho. Kailangan pa nilang magkaroon ng pass bago pumunta sa palikuran nang 3-5 minuto lamang. Hindi rin binibigyan ng mapagpapahingahang upuan kahit ang mga buntis na manggagawa.

Kinukundena rin ng mga manggagawa dito ang paulit-ulit na pagsisikap ng maneydsment ng SM na buwagin ang unyon.

NAGLUNSAD naman ng welga ang mga manggagawa ng Rustan's Commercial Corporation (RCC) noong Abril 4. Ito ang rurok ng mga ipinaglalaban ng mga manggagawa sa Rustans noon pang Disyembre 2002.

Bilang tugon, kinasabwat ng maneydsment ng Rustan's ang pulisya upang buwagin ang nakatirik na piket ng mga manggagawa. Walong manggagawa ang inaresto, apat ang nasaktan at ikinulong sa Mandaluyong City Hall.

Pinagkaitan ng Rustan's ang mga manggagawa nito ng CBA sa loob ng 52 taon. Ang mga isyu sa sahod at paggawa ay inaayos sa Rustan's Employees Council (REC) na binuo ng maneydsment. Mahigpit na ipinagbabawal ng maneydsment ang pag-uunyon. Hanggang ngayon, hindi kinikilala ang Rustan's Democratic Employees Union (RDEU).

Kakarampot ang sahod ng mga manggagawa. Umaabot lamang sa P270-P280 ang arawang sahod ng karamihan sa mga sales associate, store clerk at cashier kahit pa siyam na taon na sila sa serbisyo.

"Kalbaryo ng Bayan". Nagdaos nitong semana santa ng "Kalbaryo ng Bayan" ang mga progresibong organisasyon sa Timog Katagalugan. Sinimulan nila ang cultural caravan sa pamilihang bayan ng Lucena City at tumungo at nagrali sila sa harap ng Southern Luzon Command. Ipinakita nila ang kalunuslunos na kalagayan ng mamamayan sa rehiyon sa ilalim ng papet-pasistang rehimeng Macapagal-Arroyo. Sa sumunod na araw, tumungo sila sa US Embassy at Malakanyang upang tutulan ang interbensyong militar ng US sa bansa.

1,500 sundalong US, dumating na. Sa kabila ng mga protesta, pumuslit sa bansa nitong Abril 17 ang 1500 sundalong Amerikano na kalahok sa nakatakdang "Balikatan 2003". Ilulunsad ito sa Batangas, Pampanga, Nueva Ecija at Cavite mula Abril 29 hanggang Mayo 9.

Samantala, ipinahayag ni Macapagal-Arroyo noong Abril 9 na ilulunsad pa rin sa Sulu ang isa pang "Balikatan" na katatangian ng pinagsanib na operasyong kombat ng mga sundalong Pilipino at Amerikano. Ito ay sa kabila ng pagtutol ng mas nakararaming mamamayan roon.

$557 milyon depisit sa BOP. Ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umaabot na nitong Marso sa $557 milyon ang depisit sa "balance of payments" (BOP) dahil sa serbisyo sa mga utang, mga importasyon at paglalabas ng dolyar resulta ng panggegera ng US sa Iraq. Ito ang pinakamalaking depisit sa BOP ng bansa mula Disyembre 2001. Pinawalang-saysay nito ang diumanong sarplas na $141 milyon noong Enero at $55 milyon noong Pebrero. Ang BOP ang siyang kabuuang suma ng mga kalakalan at pampinansyang transaksyon ng Pilipinas sa labas ng bansa.

 


Previous articleBack to top 

21 Abril 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Biguin ang pagpataw ng US ng imperyalistang kapangyarihan sa buong daigdig

Mga aral sa 12 taong imperyalistang kampanya ng paglupig sa Iraq
Ang pagpataw ng bagong "Pax Americana"
Denasyunalisasyon, pribatisasyon at pandarambong sa ngalan ng "rekonstruksyon"
Pista ng mga bwitre
Sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag
NDF: Di magigibang moog ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino

Mga Ulat Koresponsal:
Lumalakas ang BHB sa Mindanao

Matagumpay na opensiba ng BHB:
Aktibong depensa sa Bulacan

Matagumpay na opensiba ng BHB:
Armadong pagkikibaka, patuloy na sumusulong

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.