|
Sa ibayong dagat: Makasaysayang kumperensya sa Bandung, ginunitaPinangunahan ng International League of People's Struggle (ILPS) ang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagdaraos ng Bandung Asia-Africa Conference (BAAC) nitong Abril 13-14 sa Bandung, Indonesia. Ang paggunita, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 14 na bansa at 40 organisasyong masa ay nagbigay-pugay sa 10 prinsipyo ng mapayapang ugnayan sa pagitan ng mga bansang naggiit ng kalayaan laban sa kolonyalismo. Ilan sa mga prinsipyong ito ang pagrespeto sa teritoryo ng bawat bansa, di pagsasalakayan, di panghihimasok ng mga bansa sa mga internal na usapin, pagkakapantay-pantay at kagalingan. ![](../../angbayan/images/050507/bandung.gif)
Dahil ang sitwasyon sa ekonomya, pulitika at militar ng mga atrasadong bansa ay mas masahol ngayon kaysa noong 1955, ang mga mamamayan ng mga atrasadong bansa ay lalong naghuhumiyaw para sa kalayaan sa pagsasamantala at pandarambong ng imperyalismo at globalisasyon. Bilang pagtaguyod sa pamana ng BAAC, pinagtibay ng mga nagsipagdalo ang pagpapatuloy ng pakikibaka para sa kasarinlan, pagpapasya-sa-sarili at kapayapaan laban sa imperyalistang gera at globalisasyon.
Ang BAC ay inilunsad noong Abril 1955 sa pangunguna nina Presidente Sukarno ng Indonesia at Premier Zhou Enlai ng China at dinaluhan ng 29 na bansa. Pinirmahan dito ang isang deklarasyon ng pagtutulungan ng mga bansang bagong laya sa kolonyalismo at lokal na naghaharing uri. Ito ay isang makasaysayang pagtitipon ng mga atrasadong bansa para labanan ang kolonyalismo, itaguyod ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa pag-unlad batay sa mutwal na interes. Ang kumperensyang ito ang nagluwal sa Non-Aligned Movement noong 1961 na kinapalooban ng 77 atrasadong bansa. Kinatawan nila ang hinaing para sa kalayaan ng mga mamamayan sa buong mundo laban sa imperyalismo at digmaang nukleyar.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Mayo 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|