Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita

Mga atake sa mga mamamahayag, nagpapatuloy

Dalawang mamamahayag ang pinagbabaril dahil sa kanilang paninindigan laban sa korapsyon at mga anomalya. Namatay si Klein Cantoneros, komentarista ng DXAA-FM noong Mayo 4 sa Dipolog City. Noong Abril 29, binaril at lubhang nasugatan si Nestor Seguismundo, komentarista ng DZXE ng Vigan, Ilocos Sur.

Halos magkasunod na naganap ang mga pag-atake sa panahong ipinagdiriwang ng mga mamamahayag ang World Press Freedom Day (Pandaigdigang Araw para sa Malayang Pamamahayag) nitong Mayo 3. Kasabay nito, tinukoy ng komite ng US para sa proteksyon ng mga mamamahayag na isa ang Pilipinas sa pinakamapanganib na lugar sa mundo para sa mga mamamahayag, kahanay ng Iraq, Colombia, Bangladesh at Russia.

Military logistics director ng US, nanghimasok sa Pilipinas

Pumunta sa Pilipinas nitong Abril 25 ang pinuno ng logistics ng US Pacific Command para makipag-usap sa matataas na upisyal ng militar at depensa sa bansa hinggil sa "kontra-terorismo."

Layunin ng pagpunta ni Brig. Gen. James Lewis Kennon ng US Army na repasuhin ang mga aktibidad ng AFP at militar ng US hinggil sa seguridad, kabilang ang programa ng AFP hinggil sa pagbili ng mga suplay at kagamitang-militar. Ilan sa mga kinausap ni Brigadier General Kennon sina Sec. Avelino Cruz Jr. ng depensa at Gen. Efren Abu, hepe ng AFP.

Ayon sa embahada ng US sa Pilipinas, ang pulong na ito ay bahagi ng serye ng mga pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa hinggil umano sa mga programa para sa sustenidong kakayahang "kontra-terorismo."

Operasyong saywar ng US sa Sulu, pinaghahandaan

Pinaghahandaan na ng mga tropang Amerikano ang paglulunsad ng mga operasyong saywar sa Jolo, Sulu. Nitong Mayo 1, dalawampu't limang ekspertong tropang Amerikano ang dumating sa Jolo upang magsagawa ng dalawang linggong "pagtatasa" sa lugar.

Ayon sa pinuno ng grupo na si Lt. Col. Greg Wilson, ang misyon nila ay alamin kung anu-ano raw ang kinakailangang mga serbisyo ng mamamayan sa lugar bilang paghahanda sa ilulunsad na civil-military operations ng mga tropang Amerikano sa Jolo. Bahagi raw ito ng Visiting Forces Agreement.

Ang totoo, operasyong paniktik ang pakay ng 25 tropang Amerikanong nagsidatingan bilang paghahanda sa papataas na antas ng interbensyong militar, partikular sa mga erya ng mga Moro.

Pwersang militar ng US, inaming banat na

Banat na banat na ang pwersang militar ng US at limitado na ang kakayahan nitong sumabak sa isa pang malaking gera. Inamin ito ni Gen. Richard Myers sa kanyang pahayag sa harap ng kongreso ng US nitong Mayo 3. Si Myers ang tagapangulo ng Joint Chiefs of Staff ng US.

Kung sasabak ang US sa isa pang digma, magiging mas matagal ito at malalagay sa mas malaking kapahamakan ang mga tropang militar nito. Sa ngayon pa lamang sa Iraq at Afghanistan, hindi na nasusunod ng mga tropang militar ng US ang disenyo ng mabilis at presisong pakikipaglaban. Ni hindi nila mapagpasyang nagagapi ang kanilang mga kaaway.

Nagbabala si Myers na mas malalaking kaswalti pa ang tatamasain ng US sakaling salakayin ni Pres. George W. Bush ang alinman sa Cuba, Iran at North Korea�mga bansang kabilang sa binansagan nitong "outposts of tyranny" o mga balwarte ng kalupitan.

Sa ngayon, hindi na makaahon-ahon ang 138,000 tropang Amerikano sa kumunoy ng Iraq habang natatali naman ang 18,000 sundalo sa Afghanistan. Sa nakaraang dalawang taon, lampas sa 1,500 sundalong Amerikano na ang namamatay sa Iraq, mahigit 11,000 na ang nasugatan at mahigit 14,000 na ang inilikas dulot ng sarisaring kapansanan sa pag-iisip na iniresulta ng gera.

$100 milyon para sa rekonstruksyon ng Iraq, nawawala

Aabot sa $100 milyon na nakatakda para sa rekonstruksyon ng Iraq ang pinangangambahang kinurakot, inabuso o winaldas ng mga upisyal ng Coalition Provisional Authority (CPA), ang komiteng itinayo at tinauhan ng US upang mangasiwa sa okupasyon nito sa bansa. Bahagi ng pondong ito ang kita mula sa pagbebenta ng langis ng Iraq at mga ari-arian ng gubyerno ni Saddam Hussein.

Ayon sa upisyal na nagsagawa ng awdit, sa isang bahagi ng Iraq pa lamang, $7 milyon ang nawawala at $89 milyon naman ang walang karampatang pagtutuos (accounting).

Sa di kumpletong tala ng nagsagawa ng awdit, natuklasan nito ang samutsaring anomalya sa pangangasiwa ng pondong pangrekonstruksyon. Mayroong kaso ng pagbabayad sa isang kontraktor ng dalawang beses para sa parehong serbisyo, pagbabayad ng $300,000 para sa mga kinanselang kontrata at pagkawala ng $700,000 matapos umalis ang mga upisyal na nangangasiwa rito.

Fidel Castro, nanawagan para sa pagkakaisa ng mamamayang Amerikano at Latino

Ipinanawagan ni Presidente Fidel Castro ng Cuba ang pakikipagkaisa ng mamamayan ng US sa kanilang mga kapatid na Latino Amerikano sa pakikibaka para sa katarungan, katotohan at kaligtasan ng kanilang mga lahi. Ipinahayag niya ito sa harap ng isang milyong Cubano na nagrali sa Plaza de la Revolucion sa Havana, kabisera ng Cuba, noong Mayo 1.

Kasabay nito, mariing binatikos at kinutya ni Castro ang rehimeng Bush na aniya'y sinungaling at sangkot mismo sa mga teroristang gawain at pananalakay. Ayon kay Castro, pinakahuling halimbawa nito ang kaso ni Luis Posada Carilles, isang internasyunal na terorista na nahuli sa Venezuela at tumakas noong Marso patungong US. Sangkot si Posada Carilles sa mga pakanang destabilisasyon laban kay Pres. Hugo Chavez ng Venezuela, na kilala sa kanyang paggigiit ng pambansang interes ng kanyang bansa laban sa imperyalismong US.

Hindi inaresto ng mga ahente ng US Department of Homeland Security si Posada Carilles, at sa halip ay hinahayaan siyang humingi ng political asylum o magpakanlong sa gubyerno ng US. Iginiit ni Castro na dapat arestuhin ng US si Posada Carilles, ideport siya sa Venezuela at ipaubaya sa mga korte roon ang paglilitis sa kanya.

 


Previous articleBack to top 

07 Mayo 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Palawakin ang antipasistang pagkakaisa

National ID, Anti-terrorism Bill mga pakana ng US
Pananalanta ng Pasistang Estado:
Ang brutal na gera ng rehimeng US-Arroyo

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Mistulang batas militar sa Samar

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Aktibistang pangkapayapaan, iligal na ikinulong

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
Philippine Army, binigwasan ng BHB sa Quezon

Araw ng Paggawa:
Pagdiriwang, masigla't matagumpay; mensahe ni Arroyo, binatikos

Mga Pinay, naglunsad ng martsa-rali sa New York
Mga detalye ng korapsyon ng rehimen
Arroyo-Cojuangco, patuloy ang sabwatan sa coco levy
Sa ibayong dagat:
Patuloy ang pagsulong ng rebolusyonaryong pakikibaka sa Nepal

Sa ibayong dagat:
Makasaysayang kumperensya sa Bandung, ginunita

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.