|
Ang sakit na malarya
Madali sanang gamutin ang malarya. Ngunit nananatili itong isa sa pinakalaganap na sakit sa Pilipinas. Umaabot sa 40,000 kada taon ang bilang ng dinadapuan ng sakit na malarya; 20-25% ng mga nagkakasakit ng malarya ay namamatay.
Ang malarya ay dulot ng alinman sa mga mikrobyong Plasmodium falciparum, Plasmodium vivax o Plasmodium malariae. Sa mga tipo ng malarya na karaniwan sa Pilipinas, 75% ay dulot ng impeksyon ng Plasmodium falciparum, na karaniwang siya ring pinakanakamamatay.
Lumalaganap ang malarya sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Anopheles. Nabubuhay ang lamok na ito sa temperaturang 16-30 sentigrado, karaniwan sa mga lugar na mahamog o maulan. Karaniwang nagsisimulang kumagat ang lamok na ito mula hatinggabi hanggang bukang-liwayway. Pinakalaganap ang pagkalat at pagtutuluy-tuloy ng epidemya ng malarya sa mga lugar kung saan malawakan at walang-pakundangang nawawasak ang mga gubat bunga ng sobrang pangangahoy at pamiminsala rito. Nasisira ang balanse ng kalikasan at bumabaling ang mga lamok na Anopheles sa pag-atake sa tao.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Hunyo 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|