![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Noong Mayo 5, ipinamalas ng mga Pulang mandirigma sa Northern Samar ang mataas na kakayahan ng BHB na ipreserba ang sarili at magdulot ng matinding bigwas sa hanay ng kaaway. Armado ng apat na high-powered rifle at isang pistola, matagumpay na nakapagtanggol ang isang tim ng Rodante Urtal Command laban sa 40 sundalo ng 20th IB na sumalakay sa isang kampo ng BHB sa Barangay Palanit, San Isidro, Northern Samar. Noong araw ng reyd, sampung Pulang mandirigma ang nasa kampo habang ang iba pa ay naggagawaing masa sa malalapit na baryo. Bandang alas-7 ng umaga, nasa itaas ng burol malapit sa kampo ang dalawang kasama nang makita nilang papalapit ang mga sundalo. Agad nilang pinaputukan ang mga ito, sabay dapa at kober. Gumanti ang kaaway at pinaulanan ng bala ang nakakober na mga kasama. Agad na umaksyon ang iba pang mandirigma na nasa kampo: pumusisyon sila para magdepensa, nagligpit ng mahahalagang gamit, at nagpatakbo ng isa upang tumulong sa dalawang nakahiwalay na kasama. Habang walang pakundangang nagpapaputok ang kaaway, ligtas na nakaatras pabalik sa kampo ang tatlong kasama. Doo'y mabilis na ginanap ang konsultasyon ng mga nasa patnugutan ng yunit at ipinasyang magtatalaga ng isang tim ng mga mandirigmang magpi-pin down sa kaaway habang umaatras ang iba pang myembro ng iskwad. Agad pumusisyon ang tim ng apat na Pulang mandirigma sa mahusay na tereyn, handang birahin ang sinumang sundalong susulong. Ang hawak nila: dalawang M14 at dalawang M16. May dala ring .45 na pistola ang isang myembro ng tim. Sa kabila ng kanilang superyor na bilang, hindi nakontrol ng 40 sundalo ang labanang tumagal nang dalawang oras. Ipinakita ng mga nakipaglabang Pulang mandirigma ang kanilang husay sa pakikidigmang gerilya, kapwa sa kabatiran sa tereyn at mga taktikang pangkombat. Disiplinado rin sila sa paggamit ng bala�tig-iisang magasin lamang ang naubos nila sa buong labanan. Subalit mabisa silang nakapagpaputok at nakapagmaniobra sa iba't ibang pusisyon sa tereyn na kabisadong-kabisado nila, hanggang sa tuluyang malito ang kaaway at mabulabog ang anumang pagtatangka nilang sumugod. Patunay ng sobrang pagkataranta ng kaaway, ilang beses na narinig ng mga kasama ang sigawan ng mga sundalo na tumutukoy sa mga pusisyon umano ng BHB. Subalit ang totoo'y kinalalagyan ng kapwa nila sundalo ang kanilang mga tinutukoy. Kaya noong bandang huli, sila-sila na rin ang nagbarilan. Nanatiling mataas ang diwang palaban ng mga Pulang mandirigma. Samantala, matindi ang demoralisasyon ng mga sundalong basta na lamang pinasusugod ng kanilang mga upisyal, kahit malinaw na pinupuruhan na sila ng mga Pulang mandirigma. Hanggang sa tuluyang pag-atras ng mga Pulang mandirigma bandang alas-9 ng umaga, wala ni isa sa kanila ang tinamaan. Sa kabilang banda, sa tantya ng mga kasama ay isa ang napatay at lima ang nasugatan sa mga sundalo. Ayon naman sa mga magsasakang nakatira malapit sa lugar, walong sundalo ang patay o sugatan at karga-karga ng kanilang mga kasamahan paalis sa labanan. Noong sumunod na mga araw, laking gulat at tawanan ng mga kasama at magsasakang nakaaalam sa tunay na pangyayari nang magmayabang sa masmidya si Maj. Gen. Glen Rabonza ng 8th ID na nakapatay daw ang mga tropa ng 20th IB ng pitong Pulang mandirigma. Ang totoo, bukod sa wala ni isang kaswalti ang mga kasama ay walang ibang nakuha ang kaaway kundi isang naiwang magasin ng 9 mm at dalawang generator na natagpuan din lamang nang balikan ng mga sundalo ang kampo at gumamit ng aso sa paghahanap. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|