Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga kinatawan sa JMC, hinirang

 Read this article in English

Kumpleto na ang mga kinatawan ng NDFP at GRP para sa bubuuing Joint Monitoring Committee (JMC). Ang pagbubuo ng JMC ay alinsunod sa nakasaad sa Comprehensive Agreement on Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Ang komite na ito ang nakatakdang sumubaybay sa implementasyon ng kasunduan at tumanggap ng mga reklamo kaugnay ng mga ito.

Hinirang ng NDFP sina Kasamang Fidel Agcaoili, Coni Ledesma at Danilo Borjal bilang mga kinatawan ng NDFP habang pinili ng GRP sina Rene Sarmiento, Jose Luis Martin Gascon at Risa Hontiveros-Baraquel upang kumatawan sa GRP.

Hinirang din ng NDFP sina Obispo Maximo Tomas Millamena ng Iglesia Filipina Independiente at si Marie Hilao-Enriquez ng KARAPATAN at SELDA (Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya) bilang mga tagapagmasid. Sa panig ng GRP, tinukoy sina Mercy Contreras at Aileen Bacalzo.

Inaasahang pormal na mabubuo ang JMC sa unang pagpupulong na nakatakang idaos sa loob ng 90 araw. Gayunpaman, makikita pa sa proseso kung gaano ito kaepektibo at hanggang saan ito maipapatupad laluna�t walang anumang paghahanda rito ang reaksyunaryong gubyerno at walang interes ang AFP na ipatupad ito.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Pebrero 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Marami pang liko't ikot ang daraanan ng usapang pangkapayapaan

Mga pakinabang ng mamamayan mula sa kasunduan sa Oslo
Mga kinatawan sa JMC, hinirang
Mga aktibista para sa karapatang-tao, pinaslang ng militar
Karahasan laban sa mga progresibong kandidato at partido
Matatagumpay na Opensiba ng BHB
27 armas, nasamsam ng BHB

Mga Ulat Koresponsal:
Pagpaparami ng mga guro ng rebolusyon sa Camarines Sur

Mga Ulat Koresponsal:
Ka Basil, dakilang rebolusyonaryo

Mga Ulat Koresponsal:
Mapait ang asukal sa Negros

Laban sa imperyalistang globalisasyon at gerang agresyon:
Mumbai Resistance 2004, matagumpay na idinaos

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.