Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita:
KAGUMA, 33 taon na

 Read this article in English

Ipinagdiwang ng mga rebolusyonaryong guro noong Marso 28 ang ika-33 anibersaryo ng KAGUMA o Katipunan ng mga Gurong Makabayan sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang lightning rally sa Maynila.

Ang KAGUMA ay isa sa 16 na alyadong rebolusyonaryong organisasyon ng National Democratic Front of the Philippines. Itinatag ito bilang ligal na organisasyon ng mga guro sa ilang kolehiyo at mababang paaralan sa Metro Manila. Naging lihim na organisasyong masa ito nang ideklara ni Marcos ang batas militar noong Setyembre 21, 1972. Marami sa mga kasapi nito ang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Di iilan sa kanila ang hinuli, tinortyur at pinatay ng mga militar. Samantala, ang mga nanatili sa kanilang pagtuturo ay nagpatuloy sa pag-oorganisa sa hanay ng mga guro sa mga lunsod at komunidad.

Ayon kay Ka Cesar Magturo, ang pambansang tagapangulo, at Ka Gary, kasapi ng pambansang kalihiman ng KAGUMA, nabubuhay ang komitment nito sa rebolusyonaryong edukasyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga kampanyang literasiya at numerasiya sa mga teritoryo ng rebolusyonaryong kilusan. Dito pinalalaganap ng kanilang mga kasapi ang kasanayan sa pagtuturo sa syensya at mga adhikain ng rebolusyon kasabay ng pagtitipon ng mga materyal na suporta sa armadong pakikibaka. Patuloy din nilang minomobilisa ang mga kapwa nila guro upang ipaglaban ang kanilang sektoral na mga interes at kapakanan.

Bunga ng mga kamalian at disoryentasyon, marami sa mga kasapi ng organisasyon ang tumigil sa pagkilos noong dekada 1980. Ngunit nakabawi na ito ng lakas dulot ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto ng Partido. Batay sa talaan ng Ikatlong Kongreso nito na idinaos sa isang sonang gerilya sa Central Luzon noong 2003, ang KAGUMA ay may kasapian ngayong mahigit isang libo sa buong bansa.

Sa kanilang pang-anibersaryong pahayag, nagbigay-pugay ang KAGUMA sa mga martir nito tulad nina Jessica Sales, Evelyn Pacheco, Deodoro Buatis, Manuel Guianga Ola, Rafael Quejada, Luz Pagobo, Jun Geronimo, Rey Rubin, Nona Santaclara, July Mendoza, Ka Gabby Gaveria at Ka Toy.

 


Previous articleBack to top 

21 Abril 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan ang pagpapatupad ng JMC

Pulang pagpupugay kay Silvino �Ka Bino� Clamucha
Mga ulat koresponsal:
Mga intriga ng AFP, pinabulaanan

Mga ulat koresponsal:
Tuloy ang pakikibaka para sa lupa sa Hacienda Luisita

Sa ibayong dagat: Bagong antas ng pakikibaka sa Iraq
Sa ibayong dagat:
Sharon Plan, isang tusong pakana

Balita:
Mga kasapi ng KARAPATAN, ginawang hostage ng militar

Balita:
KAGUMA, 33 taon na
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.