![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Dumadagsa na sa mga upisina ng Joint Monitoring Committee (JMC) ang maraming kaso ng paglabag ng mga pwersa ng gubyerno sa mga probisyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Tampok sa mga ito ang 51 kaso ng pamamaslang na isinagawa ng mga militar, pulis at paramilitar ng gubyerno. Unang kaso. Unang-unang nagsampa sa JMC ng kasong pagpaslang si Dee Batnag-Ayroso. Ang asawa niyang si Honorio, kasapi ng Bayan Muna (BM), ay dinukot ng limang pinaghihinalaang elemento ng 71st IB sa Mu�oz, Nueva Ecija noong Pebrero 9, 2002. Kasama niyang dinukot si Johnny Orcino, coordinator ng BM para sa Nueva Ecija. Hanggang ngayon ay nawawala pa ang dalawa. Mindoro. Sinampahan si Brig. Gen. Jovito Palparan Jr. ng mga kasong murder noong kumander pa siya ng 204th Bde sa Mindoro. Ang nagsampa ay sina Orly Marcellana, Roseann Gumanoy at Edilberto Napoles Sr., mga kamag-anak ng mga biktimang pinatay sa Mindoro sa utos ni Palparan. Si Orly ay asawa ni Eden Marcellana, pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-ST. Si Roseann ay anak ni Eddie Gumanoy, lider-magsasaka ng Southern Tagalog. Sina Marcellana at Gumanoy ay dinukot at pinaslang ng militar noong Abril 2003. Si Edilberto Napoles Sr. naman ay ama ni Edilberto �Choy� Napoles Jr., ang BM coordinator ng Mindoro Oriental na pinaslang noong Marso 2002. Sinampahan din nina Nympha Magsino at Edilberta Ma�ano ng hiwalay na kasong murder si Col. Fernando Masa, ang pumalit kay Palparan bilang kumander ng 204th Bde. Si Magsino ay hipag ng pinaslang na vice mayor ng Naujan, Mindoro Oriental na si Juvy Magsino. Si Ma�ano ay ina ng coordinator ng Anakpawis sa Mindoro Oriental na si Isaias Ma�ano. Parehong pinaslang ang mga biktima sa kainitan ng kampanyang elektoral ngayong 2004. Umabot naman sa 36 na kaso ng pagpatay sa Mindoro Oriental ang isinampa ni Girlie Padilla, pansamantalang pangkalahatang kalihim ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP), laban sa militar. Kabilang sa mga ito ang kaso ng pagpaslang kay Leonardo Rodriquez, isang organisador ng mga magsasaka. Mawab Four Massacre at iba pa. Sampung kaso naman ang isinampa ni Ariel Casilao, pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-Southern Mindanao sa ngalan ng mga biktima ng pamamaslang sa naturang rehiyon. Isa na rito ang kaso laban kay Lt. Col. Edgardo Gonzales, kumander ng 60th IB ng Philippine Army, na itinuturing na responsable sa �Mawab Four Massacre.� Tinukoy siyang pasimuno sa pagsasalbeyds kina Godofredo Guimbaolibot, Roland Jubajib, Engr. Edwin Asion at Mariano Diamante sa Mawab, Compostela Valley. Si Gonzales din ang itinuturing na responsable sa �Laac Massacre� sa Davao del Norte at sa pwersahang pagpapalikas ng mga taumbaryo ng New Bataan, Compostela Valley. Sumusunod ay ilan pang kasong isinampa ng KARAPATAN-Southern Mindanao:
Nagsampa rin ng mga kasong murder laban sa militar ang InPeace (Initiatives for Peace in Mindanao) sa ngalan ng mga biktima ng mga pambobomba sa Davao Domestic Airport at Sasa Wharf noong 2003. SAMANTALA, sa Quezon, patuloy pa rin ang mga karumal-dumal na paglabag sa karapatang-tao na ang pangunahing target ay mga aktibista at myembro ng mga progresibong partido at organisasyon. Ang ng CARHRIHL.pinakahuling pangyayari ay noong Hunyo 18 sa Pagbilao, Quezon kung saan pinaslang si Merle Catabay, isang 40 anyos na tagakampanya ng Bayan Muna. Malapitang binaril si Catabay ng dalawang pinaghihinalaang militar sa palengke ng Peninsula Homes Subdivision sa Barangay Bukal. Ayon sa mga nakasaksi, tumakas ang mga salarin sakay ng isang puting van na walang plaka. Sa panibagong karahasang ito, umabot na sa apat ang mga pinaslang na kasapi ng Bayan Muna sa Pagbilao nitong panahon ng eleksyon. Ang naunang tatlo ay sina Roger Perez, Belen Ysrael at Conrado Katigbak. Ang asawa ni Perez na si Cristina ay nakaligtas sa kamatayan nang silang mag-asawa ay pagbabarilin malapit sa kanilang bahay ilang araw bago ang eleksyon. Pinagtangkaan din ang buhay ng apat na aktibista sa Pagbilao. May dalawa pang aktibistang dinukot at nawawala pa rin hanggang ngayon. ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|