![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Masbate, Pebrero 16. Tinambangan ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Romulo Jallores Command ang mga tropa ng 506th PNP Provincial Mobile Group sa Barangay Bagtas, Milagros, Masbate. Bandang 2:30 ng hapon nang ang convoy ng pinagsanib na tropa ng PNP at Scout Rangers ay tamaan ng command-detonated land mine (eksplosibong itinanim sa lupa at kailangang sadyang pasabugin.) Siyam ang patay, kabilang si Sr. Insp. Santiago Tacordo Jr. at tatlo ang malubhang nasugatan sa panig ng 12-kataong PNP. Ilocos Sur, Pebrero 16. Sinalakay ng BHB ang isang Special Operations Team (SOT) ng 50th IB na humimpil sa Barangay Hall ng Quibit-Quibit, Sinait. Napatay ang timlider nitong sarhento habang sugatan ang tatlong korporal. Negros Occidental, Pebrero 15. Nilusob ng mga kasapi ng Boy Gatmaitan Command ng BHB-Negros ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Mahalang, Himamaylan City. Nasamsam ng mga gerilya ng BHB ang tatlong M14 at tatlong garan bago sila umatras. Dalawang Pulang mandirigma, sina Ka Ricky Agrava at Ronnie Chavez ang namatay sa labanang ito. Walo ang sugatan sa panig ng AFP. Compostela Valley, Pebrero 14. Sinalakay ng walo-kataong yunit ng BHB ang "Linda" Detachment ng 1102nd Police Provincial Mobile Group sa Barangay Fatima, Nabunturan. Napatay ang isang pulis sa unang bugso ng putukan. Isa pang elemento ng CAFGU ang namatay habang dinadala sa ospital. Nasugatan ang isa pang pulis at isang babae na noo'y nasa loob ng detatsment. Nag-alay ng buhay ang isang gerilya ng BHB sa taktikal na opensibang ito. Nakasamsam ang mga Pulang mandirigma ng tatlong M16, dalawang M14 at isang .45 pistola. Quezon, Pebrero 9. Inambus ng BHB ang deputy chief ng Mauban PNP noong Pebrero 9 sa mismong sentro ng bayan. Ayon sa pahayag ng Apolonio Mendoza Command, si SPO3 Paulino Mancenido ay protektor ng iligal na droga, iligal na pangingisda, iligal na logging at ekstorsyon. Kalinga, Pebrero 6. Sumuko matapos masorpresa ang mga elemento ng CAFGU sa ilalim ng 77th IB nang salakayin ng isang platun ng BHB ang kanilang kampo sa Barangay Limos, Pinukpuk noong Pebrero 8. Sa unang bugso ng mga putok, kumaripas ng takbo ang mga nasorpresang mga elemento ng Philippine Army at CAFGU habang nasugatan ang dalawang paramilitar. Nakakumpiska ng 13 ripleng M14 na may 1,319 bala, 1 Garand na may 81 bala at isang Motrola VHF radyo. Bago umatras, sinunog ng BHB ang kampo ng kaaway. Cagayan, Pebrero 1. Limang sundalo ng 17th IB at isang elemento ng CAFGU ang agad na namatay sa unang bugso ng putukan nang ambusin sila ng Danilo Ben Command ng BHB sa kanlurang Cagayan. Naklining din ang isang M16 sa pananambang na inilunsad sa Barangay Illuru Sur, Rizal. Nagpapatrulya ang mga tropa sa mga baryo ng Rizal, Piat, Sto. Ni�o at Lasam nang tambangan sila ng BHB. Oriental Mindoro, Enero 25. Isang platun ng BHB ang matagumpay na nakipagsagupaan sa mga tropa ng 19th Special Forces Company sa Sityo Gumatos, Barangay Hagan, Bongabong. Nasukol sa ambush site ang mga sundalo nang habulin ng mga ito ang isang kasama na nagsilbing pain. Napatay ang tatlong elemento ng SFC habang ilan pa ang nasugatan. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|