Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita

 Read this article in English

William Hinton, pinarangalan

PINARANGALAN ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilang dakilang proletaryong internasyunalista si William Hinton. Namatay si Hinton noong Mayo 15.

Nakilala si Hinton sa kanyang matatag na paglahok sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Tsino at pagdokumento ng kanilang mga tagumpay sa pagpupundar ng sosyalismo. Mula sa kanyang ilang taong pakikisalamuha sa isang nayon sa China noong dekada 1940, isinulat niya ang Fanshen: A Documentary of Revolution in a Chinese Village. Noong 1971, isinulat niya ang Shenfan: The Continuing Revolution in a Chinese Village.

Mahigpit na tinutulan ni Hinton ang panunumbalik ng kapitalismo sa China sa ilalim ng rehimen ni Deng Xiao Peng. Kaugnay nito, isinulat ni Hinton noong 1990 ang The Great Reversal: The Privatization of China, 1978-1989 na naglarawan kung papaano binaligtad ang mga tagumpay ng dakilang rebolusyong pangkultura sa China at napawi ang maraming tagumpay ng sosyalismo sa ilalim ng pamumuno ni Deng.

Noong 1997, isa si Hinton sa mga dayuhang kaibigan ng mamamayang Pilipino na lumahok sa Anti-APEC Conference at kaakibat na mga anti-imperyalistang aksyong masa sa Pilipinas.

Implementasyon ng "Bridge Program", iniurong

DAHIL sa malakas na pagtutol ng League of Filipino Students (LFS)-High School, Alliance of Concerned Teachers (ACT), mga magulang at iba pang sektor, napilitan ang Department of Education (Dep-ED) na iurong noong Hunyo 8 ang pagpapatupad ng "bridge program" sa pagbubukas ng klase. Batay sa "bridge program," kukuha ng isang taong "remedial" na pag-aaral sa Ingles, Syensa at Matematika ang may 700,000 mag-aaral o kalahati ng 1.4 milyong gradweyt ng elementarya.

Ayon sa mga nagprotesta, ibayong pasaning pinansyal para sa mga magulang ang dagdag na isang taong pag-aaral. Hindi rin nito nilulutas ang mas pundamental na suliranin ng kabulukan ng buong sistemang pang-edukasyon bunga ng maling mga prayoridad ng reaksyunaryong gubyerno. Sa pambansang badyet para sa 2004, halimbawa, 31% ang inilaan para sa serbisyo sa utang habang 12% lamang ang para sa edukasyon. Bunga nito, mahigit 90% ng mga gradweyt ng elementarya ay hindi handa na pumasok sa hayskul.

Ekstensyon ng �security wall� ng Israel, napatigil

NAPILITAN ang gubyernong Israeli na pansamantalang ipatigil noong Hunyo 16 ang konstruksyon ng ekstensyon ng "security wall" ng Israel sa loob ng teritoryo ng Palestine. Ang pagpapatigil ay bunga ng mga protesta ng mamamayang Palestino at kanilang mga tagasuporta.

Mula Hunyo 6, araw-araw na nagrali ang mga Palestino, kasama ang mga aktibista mula sa International Solidarity Movement at mga tagasuporta mula sa Israel mismo, upang pigilin ang pagtatayo ng bakod na mas tatagos sa teritoryo ng Palestine sa West Bank. Araw-araw na tinangka ng mga sundalong Israeli na buwagin at paatrasin ang hanay ng mga nagpoprotesta, gamit ang tirgas, mga buldoser, baril at maging mga kanyon. Ayon sa Palestine Media Center, hindi bababa sa 70 katao na ang nasugutan sa mga sagupaan. Apat na Palestino, kabilang ang isang 13-anyos na bata, ang binaril ng mga sundalong Israeli habang nagdedemonstrasyon.

Ang iniatras ay ang ekstensyon lamang at patuloy na nagmamatigas ang Israel sa pagtatayo ng buong "security wall" ayon sa orihinal na plano nito. Ito'y sa kabila ng malawakang pagkundena ng mamamayan at iba�t ibang organisasyon at institusyon sa Palestine, sa mga bansang Arabo at sa daigdig. Ang malaking bahagi ng "security wall" ay nag-aalis sa Palestine ng halos kalahati na ng teritoryo nito sa West Bank at iba pang bahagi ng Palestine, dala ang maraming produktibong sakahan at sentro ng komersyo ng mga Palestino. Balak tayuan ito ng mga komunidad ng mga Isareli, kabilang na ang mga lilipat mula sa Gaza Strip ng Palestine.

 


Previous articleBack to top 

21 Hunyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalalang krisis pangkabuhayan

Hindi mapapanatag ang paghahari ni GMA
Pananalanta ng Pasistang Estado:
Mga kaso ng pagpatay isinampa laban sa militar

Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos, ginunita
Panibagong anomalya sa AFP, nabunyag
Kampanyang anti-malarya ng BHB
Ang sakit na malarya
Pagpapabaya ng gubyerno
Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay ng BHB sa Eastern Visayas

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
50 armas nasamsam sa mga reyd ng BHB

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
Hepe ng pulisya sa Angat, Bulacan pinarusahan

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.