![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Limampung armas ang nasamsam ng mga Pulang mandirigma sa apat na magkakahiwalay na reyd sa mga himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa Agusan del Sur, Aurora, Iloilo at Davao del Norte. Isa ring ambus ang isinagawa ng BHB sa Quezon at isang reyd sa Compostela Valley sa panahong ito. Davao del Norte. Dalawampu't apat na malalakas na armas at 2,000 bala ang nasamsam ng BHB sa pagsalakay sa himpilan ng pulis sa New Corella noong gabi ng Hunyo 20. Isang pulis ang namatay at isa pa ang nasugatan nang makipagbarilan ang mga ito sa 30 Pulang mandirigmang sakay sa tatlong van. Nagpanggap na mga tauhan ng Task Force Davao ng Philippine Army ang mga gerilya. Sa Agusan del Sur. Sinalakay ng BHB sa pamumuno ng Northeastern Regional Command ang munisipyo ng Bayugan noong hapon ng Hunyo 19 at sinamsam ang tatlong M16 at tatlong M14.
Sa Iloilo. Bandang 12:45 ng hapon noong Hunyo 15, sinalakay ng 50-kataong yunit ng BHB sa ilalim ng Napoleon Tumagtang Command-Southern Front ang munisipyo ng Tubungan. Nalalangan ang mga pulis at inakala nilang mga tropa ng Philippine Army ang mga Pulang mandirigmang bumaba sa dalawang pampasaherong dyip. Huli na nang matanto ng mga pulis ang pangyayari. Agad na nagmaniobra ang mga gerilya ng BHB para salakayin ang munisipyo. Mabilis na pinasok ng walong tropa ng BHB ang gusali at pinadapa ang mga pulis. Nilapitan at dinisarmahan ng mga Pulang mandirigma ang lahat ng pulis na nasa munisipyo, pati na yaong nagbibigay noon ng pagsasanay sa mga elemento ng Civilian Volunteers Organization (CVO). Kasabay nito, pinasok ng walo pang gerilya ang himpilan ng pulisya sa likod ng munisipyo. Pagkatapos ng maikling labanan, nagapi ang 12 pulis doon. Samantala isang empleyado ang nagtamo ng mga minor na sugat dahil sa mga salaming nabasag ng mga granada. Nilapatan siya ng paunang lunas ng isang Pulang mandirigma. Nasamsam sa mga pulis ang labing-anim na armas na kinabibilangan ng siyam na M16, dalawang M14, tatlong pistolang 9 mm, isang pistolang Super .38 at isang desabog. Kasama ring nasamsam ang isang radyong pangkomunikasyon. Kauna-unahang pagsalakay ito sa munisipyo sa Panay mula nang mailunsad ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. Bago pa ang pagsalakay sa munisipyo, may ipinasang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Tubungan para sa pagbubuwag ng Reconnaisance Company ng 3rd Infantry Division na nakapakat sa lugar. Sa Aurora. Apat na armas ang nasamsam at dalawang pulis ang napatay nang salakayin ng 15-kataong yunit ng BHB ang himpilan ng PNP sa Barangay South Poblacion, Dipaculao noong gabi ng Hunyo 12. Nagpadala ng reimporsment ang militar ngunit nakaatras na ang mga Pulang mandirigma dala ang nasamsam na dalawang M16, isang pistolang 9 mm, isang Super .38 at mga bala. Sa Quezon. Napatay ang isang sundalo ng Philippine Army habang malubhang nasugatan ang tatlo pang tropa nang tambangan sila ng BHB sa Barangay Nanadiego, Mulanay noong umaga ng Hunyo 16. Tumagal nang apat na oras ang labanan. Sa Compostela Valley. Sinalakay ng isang platung gerilya ng BHB ang isang detatsment ng CAFGU sa Barangay Libay-Libay, Maco, Compostela Valley noong Hunyo 17. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|