![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Patuloy ang pag-ani ng tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa pakikidigmang gerilya sa Eastern Visayas (EV). Sa isang pahayag, sinabi ni Jose Sumuroy, tagapagsalita ng Efren Martires Command (EMC) ng EV, na sa sobrang desperasyon ng kaaway, palaging itinatago o kaya minamaliit nito ang mga balita hinggil sa mga opensiba at tagumpay ng BHB sa armadong pakikibaka. Nag-iimbento na lamang ang 8th ID ng sariling mga tagumpay. Tinukoy ng EMC ang pag-ambus ng Orlan Colima Command ng BHB sa isang platun ng 52nd IB sa Amentacop, Borongan, Eastern Samar noong Mayo 5. Ni hindi umimik ang 8th ID tungkol dito, anang EMC. Dalawang sundalo ang namatay at isa ang nasugatan sa naturang pananambang. Nakumpiska rin ang isang M14, isang M16 at mga bala.
Binatikos din ni Sumuroy ang kawalan ng pagsaalang-alang ng kumander ng mga pasistang tropa sa kapakanan ng kanyang mga tauhan dahil paulit-ulit niyang pinasulong ang mga ito sa kabila ng malaking bentahe ng mga Pulang mandirigma at ng dami na ng mga kaswalting natamo ng mga sundalo. Walang namatay ni nasugatan sa mga gerilya. Ayon kay Sumuroy, nakapananaig ang BHB maging sa mga depensibang labanan dahil sa mataas na antas ng diwang mapanlaban nito, sa taglay nitong disiplinang bakal, sa pagkakabisa nito sa tereyn at sa tinatamasa nitong suporta ng masang magsasaka. Aniya, suportado ng mamamayan ang BHB dahil alam nilang ito ang kanilang pangunahing instrumento para makamtan ang pambansa at panlipunang kalayaan at nagtataglay ito ng mataas na antas ng prinsipyo at disiplina. Sa kabilang banda, kinamumuhian ng mamamayan ang AFP dahil sa mersenaryong katangian at pasistang kahayupan nito bilang reaksyunaryong instrumento ng mga dayuhan at lokal na nagsasamantala at nang-aapi. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|