![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Noong Pebrero 2004, muling inilathala ang Sublak o "sibol,� isang rebolusyonaryong magasing pangkultura sa rehiyon. Tumiklop ito noong 1989 nang mamayani ang maling linya ng adbenturismong militar at insureksyunismong lunsod at napabayaan ang gawaing pangkultura. Layunin sa muling paglalabas nito ang pagpopularisa ng mga rebolusyonaryong adhikain at karanasan ng mga Pulang mandirigma, masang anakpawis at iba pang demokratiko at patriyotikong sektor sa pamamagitan ng panitikan at likhang-sining. Kalipunan ng mga awit at tula. Nahahati sa apat na bahagi ang bagong edisyon ng Sublak. Sa unang bahagi, may 23 tulang nakasulat sa Hiligaynon. Ilan sa mga ito ay may salin din sa Ingles at Pilipino. Mapapansing karamihan sa mga nag-ambag ng kanilang mga tula ay bagong sibol na mga manunulat�mga kadre ng Partido, upisyal at Pulang mandirigma, mga organisador ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralita ng lunsod at pambansang minorya. Binubuo ng apat na ambahanon (awit) ang ikalawang bahagi. Sa estilo ng popular at tradisyunal na composo, sugidanon o ismayling, epektibong naipahayag sa "Igpahu," "Kasaysayan sang Baryo," "Grupong Binuligay" at "Ambus sa Malinao" ang mga saloobin at adhikain at pakikibaka ng mamamayan sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo, pagpapaunlad ng produksyon at paglaban sa militarisasyon, sapilitang ebakwasyon, pangangamkam ng lupa at ang kagitingan ng BHB, sabay ang paghihikayat na sumanib sa lumalawak na hanay ng pambansa-demokratikong kilusan. Nilikha ang mga awiting ito ng mga grupong pangkultura ng BHB sa Central at Southern Front. Mga sugilanon. Naglalaman ng dalawang maikling sugilanon (kwento) ang ikatlong bahagi. Inilarawan ng Dalugdog sa Septyembre ni Rio Roja ang praktika ng isang bagong buong SYP sa Northern Front noong maagang bahagi ng dekada 1970 mula sa kawalang-karanasan nito sa pagbubuo ng base at hukbong bayan hanggang sa pagtambang nito sa kaaway sa unang pagkakataon. Sinariwa naman ng Tinipik sang Kasaysayan ni Maya Mor ang pagmasaker ng mga pasistang tropa ni Magsaysay sa 37 kadre, kumander at kasapi ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na nagpupulong noong Abril 27, 1953 sa Taruytoy, Libacao, Aklan. Dalawa sa mga nakaligtas dito, sina Kumander Coronacion "Waling-Waling" Chiva at asawa niya, ay gumanap ng malaking papel sa pagpapalawak ng BHB sa Border Area ng Iloilo-Capiz-Aklan noong 1972. Panghuling bahagi ng Sublak ay komiks tungkol kay "Caduy," ang batang naging popular na karakter sa komiks na nagsimulang lumabas noong 1982 sa mga pahina ng Daba-Daba, ang pahayagang masa ng rehiyon. Rebanek. Hindi sa lahat ng oras ay seryoso ang mga rebolusyonaryo. Sa araw-araw nilang buhay-at-kamatayang pakikibaka, marami ring sumusulpot na nakatatawang insidente, sadya man o hindi. Upang kunan ng mga aral, inipon ang mga ito nina Rubio Rus Lucha at Maya Mor sa 44 na dagli at pinamagatang REBANEK o mga rebolusyonaryong anekdota. May ilan pang kalipunan ng mga sulatin tulad ng Poems, The Enemy's Son and Other Poems from the Warfront (23 tula) at Hiwalaybay nga Walay Prosodyo (30 tula)�lahat ni Maya Mor�at Pila ka Binalaybay kag Ambahanon ang akon Gin-gikanan (mga liham, awit at tula) ni Bayani Obrero. Inaasahan sa muling pagsibol ng rebolusyonaryong gawaing pangkultura na marami pang mahihikayat at makakikita ng panahon na magpahayag sa masining na paraan ng kanilang mga saloobin tungkol sa sarili, sa mga minamahal, sa lipunan at sa rebolusyon kahit sa gitna ng pakikipaglaban sa kaaway at paggampan ng iba't iba pang mga praktikal na gawain sa rebolusyon. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|