![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Tinututukan ng militar ang Central Panay hindi lamang dahil sa sumusulong dito ang rebolusyonaryong kilusan. Isa ito sa mga posibleng pakatan ng mga tropang Amerikano sa balangkas ng papalalim at papalawak na armadong interbensyon ng US sa bansa. Nitong Marso 5, 2003, dumating sa Camp Macario Peralta ang isang contingent ng mga sundalong Amerikano mula sa Sulu para sa diumano�y pagsasanay medikal sa mga sundalong Pilipino. Ngunit kapuna-punang wala ni isang duktor sa naturang contingent. Ang Central Panay ay binubuo ng 24 na baryo sa mga bayan ng Tapaz at Jamindan at sumasaklaw sa 12% ng buong kalupaan ng lalawigan ng Capiz. Narito ang 33,310 ektaryang lupang ninuno ng mga Tumanduk na matagal nang inaagaw ng AFP upng lunsaran ng war games. Dito nakapusisyon ang Camp Macario Peralta na bukod sa pagiging punong himpilan ng 3rd ID ay isa sa pinakamalawak na training ground mula nang mailipat sa pansibilyang gamit ang Sangley Point sa Cavite. Dito inilulunsad ang iba�t ibang pagsasanay ng mga sundalo. Dito rin nagsasagawa ng testing ng mga armas at bomba. Mula noong 1994 ay tinangka na ng 3rd ID na palikasin ang mga naninirahan doon na tinagurian nilang mga iskwater. Noong Disyembre 1995, apat na tao, kabilang ang dalawang bata, ang nasugatan nang ang sinusubukang bomba ay kinapos sa target at tumama sa kabahayan. Noong Oktubre 1994, inilunsad rito ang mahigit isang linggong extension training ng Balikatan na dinaluhan ng humigit-kumulang 350 sundalong Amerikano na may dalang iba�t ibang eroplanong pandigma at mga bomba. ![]()
|
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|