Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga aktibista para sa karapatang-tao, pinaslang ng militar

 Read this article in English

Lalong nagiging walang pakundangan at malupit ang pasistang militar sa pagsasagawa nito ng kontra-rebolusyonaryong digma. Nitong Pebrero, brutal na pinatay ang tatlong aktibistang nagtataguyod sa karapatang-tao at lumalaban sa militarisasyon sa Mindoro.

Noong Pebrero 13, pinatay si Juvy Magsino, Vice Mayor ng Naujan, Oriental Mindoro at tagapangulo ng Provincial Justice and Peace Council at ang kasama niyang si Leima Fortu, Secretary-General ng Karapatan-Oriental Mindoro. Matapos harangin at paulanan ng bala ang kanilang sasakyan sa Pinasabangan-2, Naujan, malapitan silang binaril ng pinaniniwalaang mga tauhan ng 204th Brigade ng Philippine Army. Naganap ang pamamaslang kalahating kilometro lamang mula sa kampo ng 204th Brigade.

Nitong Pebrero 18, dinukot ng pitong pinaghihinalaang militar si Adrian Alegria ng Sta. Cruz, Mindoro Occidental, isang aktibistang nangangampanya laban sa militarisasyon sa Mindoro, sa kanilang bahay sa Barangay Lumang Bayan, Sta. Cruz bandang 2:30 ng madaling araw. Kinaumagahan, natagpuang lumulutang ang kanyang bangkay sa Amnay River sa bayan ng Sablayan. Bakas sa kanyang katawan ang pinagdaanan niyang tortyur bago siya pinatay. Nagtamo siya ng isang tama ng bala sa dibdib at isa pa sa batok na tumagos sa kanyang mukha. Pitong beses siyang sinaksak.

Sina Magsino, Fortu at Alegria ay pinakahuli lamang sa pahaba nang pahabang listahan ng mga biktima ng karahasang militar hindi lamang sa Mindoro kundi sa buong bansa.

Mariing kinundena ng Partido Komunista at buong rebolusyonaryong kilusan ang pagpatay kina Magsino, Fortu at Alegria. Muling pinatatampok nito ang dumaraming kaso ng mga pagpatay sa mga aktibistang nagtataguyod sa karapatang-tao. Noong nakaraang taon, dinukot at pinatay ng mga pinaniniwalaan ding tauhan ng 204th Brigade sina Eden Marcellana, Pangkalahatang Kalihim ng Karapatan-Southern Tagalog at Eddie Gumanoy, Tagapangulo ng Kasama-TK sa bayan din ng Naujan.

Ipinakikita ng mga pangyayaring ito na ibayong nagiging malupit at walang pili ang karahasang militar sa desperasyong lupigin ang patuloy na sumusulong na rebolusyonaryong armadong kilusan. Galit na galit ang Armed Forces of the Philippines sa mga aktibistang naglalantad sa mga pang-aabusong militar at paglabag sa karapatang-tao ng mamamayan at nagtataguyod ng mga progresibo at maka-mamamayang interes.

Mismong si Arroyo ang naghihikayat sa walang habas na pananalanta ng militar sa Mindoro. Sa kabila ng napakaraming reklamo laban sa militar, pinarangalan ni Arroyo si Col. Jovito Palparan, ang berdugo ng Mindoro at dating kumander ng 204th Brigade. Mula 2001, ang 204th Brigade ang responsable sa napakahaba nang listahan ng pagsalbeyds, pagtortyur, mga iligal na pag-aresto, pwersahang pagpapalikas, harasment, pang-aabuso sa mga karapatan ng mga bata at mga pang-aabuso laban sa kababaihan.

Sisikapin ng Partido at ng BHB na mabigyang-katarungan ang mga pagpatay na ito sa pamamagitan ng pagparusa sa mga salarin at paglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa militar.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Pebrero 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Marami pang liko't ikot ang daraanan ng usapang pangkapayapaan

Mga pakinabang ng mamamayan mula sa kasunduan sa Oslo
Mga kinatawan sa JMC, hinirang
Mga aktibista para sa karapatang-tao, pinaslang ng militar
Karahasan laban sa mga progresibong kandidato at partido
Matatagumpay na Opensiba ng BHB
27 armas, nasamsam ng BHB

Mga Ulat Koresponsal:
Pagpaparami ng mga guro ng rebolusyon sa Camarines Sur

Mga Ulat Koresponsal:
Ka Basil, dakilang rebolusyonaryo

Mga Ulat Koresponsal:
Mapait ang asukal sa Negros

Laban sa imperyalistang globalisasyon at gerang agresyon:
Mumbai Resistance 2004, matagumpay na idinaos

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.