Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa ibayong dagat:
Sharon Plan, isang tusong pakana

 Read this article in English

Nitong Abril, sa tahasang basbas at suporta ng US, isa na namang tusong pakana ang iniaabante ng rehimeng Sharon ng Israel upang unti-unting gawing permanente ang kanilang okupasyon sa lupain ng mga Palestino.

Sa ilalim ng planong ito na tinaguriang Sharon Plan, kunwa'y boluntaryo nang iiwan ng Israel ang mga kolonya nila sa Gaza Strip kapalit ng permanenteng pananatili ng mga kolonya nila sa halos kalahati ng lupa sa West Bank, na tulad ng Gaza Strip ay teritoryo rin ng Palestine. Anim na malalawak na bloke ng mga kolonya ng Israel ay palalawakin at permanenteng ookupahin ng Israel. Dagdag dito, hindi na papayagan ang mga Palestinong napalayas noong 1948 at 1967 na muling makabalik sa kanilang bansa.

Tahasang nilalabag ng Sharon Plan ang mga probisyon sa internasyunal na batas na kumikilala sa karapatang makabalik sa kanilang pinanggalingan ang milyong Palestino na nakadistiyero. Nilalabag nito maging ang tusong pakana ng US noong 2003 na "Roadmap" tungo umano sa pagkakamit ng kapayapaan sa pagitan ng Palestine at Israel. Tahasang nakasaad rito ang pagbabawal muna sa pagpapalawak ng mga kolonya ng Israel sa mga teritoryo ng Palestine hanggang sa kalauna'y lubusan nang pagapapaalis sa lahat ng mga ito.

Ang Sharon Plan ay isa lamang sa pinakahuling mga maniobra ng Israel at US. Bago ito, tahasang binalewala ng dalawa ang malawakang panawagan na buwagin ang "security barrier" na itinayo ng Israel sa loob ng Palestine. Pinaigting din ng Israel ang pananalakay sa loob ng Palestine at pagpatay sa mga tampok na personalidad na nangunguna sa paglaban sa okupasyon ng Israel. Noong Marso 22, pinatay ng mga pwersang Israeli si Sheik Ahmed Yassin, tagapagtatag ng HAMAS, isang armadong grupong Palestino na matinding lumalaban sa okupasyon ng Israel sa Palestine. Nitong Abril 17, si Abdel Aziz Rantissi, na kahahalili pa lamang kay Yassin, ang siya namang pinatay ng mga Israeli.

Sunud-sunod ang mga pagdiriwang at pagpupugay sa sarili ng mga upisyal ng US at Israel sa pagkakapatay nila sa mga lider ng HAMAS. Itinuturing nilang malalaking tagumpay ang mga operasyong ito. Nagpahayag naman ng matinding pagkundena sa mga pangyayaring ito ang mga Palestino at iba pang mamamayang Arabo at ang mga demokratiko at progresibong pwersa, malawak na mamamayan, at karamihan ng mga bansa sa daigdig.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Abril 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan ang pagpapatupad ng JMC

Pulang pagpupugay kay Silvino �Ka Bino� Clamucha
Mga ulat koresponsal:
Mga intriga ng AFP, pinabulaanan

Mga ulat koresponsal:
Tuloy ang pakikibaka para sa lupa sa Hacienda Luisita

Sa ibayong dagat: Bagong antas ng pakikibaka sa Iraq
Sa ibayong dagat:
Sharon Plan, isang tusong pakana
Balita:
Mga kasapi ng KARAPATAN, ginawang hostage ng militar

Balita:
KAGUMA, 33 taon na

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.