|
Ruth Firmeza Agosto 1975 Bundok Cresta, Cabagan, Isabela
Banig (Filipino)
Multo ang kahulugan.
sa lupa mo'y may nalilibing tuwing may labanan
sa pusod ng bundok mong may lalim at kublihan
misteryo sa minoryang sa gilid naninirahan
Isusumpa ka ng magtatangkang umahon.
sa matatarik na dalisdis at rumaragasang talon
kung walang yaman ang kapal ng iyong kahoy
walang aangkin sa gubat mong masukal at maburol
Sa ilog at batis mo umagos ang pulang dugo
at sa pagsabog ng pulbura ang kaaway ay nabigo
multo ka nga sa kanila at marami kang siniphayo
maging sa aming may ibinuwis ang aral mo ay titimo
|
|