|
Emin Peņa 5 Hulyo 1982
Mukag
Tinatanglawan ng buwan
Ang iyong mais at tabako, mga bahay
Na nananahimik sa lukob ng gabi.
Ngayo'y sikil-sikil ka pa ng mga pasista,
Ng mga paramilitar na sinusulsulan ni Israel.
Mukag, ngayong gabi'y
Tila dinadaan-daanan ka lang namin
Subalit sa likod nito'y unti-unting gumagapang
Ang kilusan ng masang api
Mula sa gilid ng iyong mga pilapil at tumana,
Mula sa mga taumbaryong hanggang ngayo'y
Nag-aalab.
Di maglalaon, makikituloy na rin
Ang iyong mga armadong anak sa iyong mga tahanan,
Di magialao'y sisilayan na rin sila ng ningning
Ng araw sa iyong mga bintana, mga bakuran,
At ang mga katawang hapo sa paglalakad
Ay iyong kakandungin.
Ikaw ang bagong Labting sa ating digma.
|
|