|
Katalino Maylayon 15 Setyembre 1984
Estrelyado
Sariwang itlog,
Walang tigil sa paglusog
O kaya'y sa pagkabugok-
Pasulong lang o pabulusok.
Pagbabago'y di tumutugot:
Katangian niya'y sumasagot
Sa kalagayang nakapalibot -
-kung susulong o bubulusok.
Sa limlim ng inang manok,
Pagkasisiw ay nahihinog;
Maaari ring ito'y mahulog
Sa pagkasira, pagkabulok,
O kaya'y maitubog
Sa mainit na tubig o mantika
At maging estrelyado o nilaga
Para sa tapos nang matulog.
Kaya't sinumang magpupumilit
Na tanging panlabas na salik
Ang may pasya sa pagbabago
Ay ipagpiprito ko. . .
Ng estrelyadong bato.
|
|