Home  CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Agosto 1999
Mga Tula
TOC Papuri sa Boss-Dyip


Salubungin ang sagisag ng pangulo: ang Hari ng Kalsada Ang maghahatid ng kaunlaran sa masa, Pipitsuging sasakyan ng mga Asyano. Sa talyer ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nilatero. Pagmasdan ang neo-kolonyal na awto ng estado Dadalhin tayo mula kawalan tungong kawalan Isang biyaheng kakarag-karag sa liku-likuan.   BASTA DRIVER, SWEET LOVER Nangangaral sa masa ang Pangulo Na sa kalamnan ay huwag na raw magpatukso Huwag nang magparami kung gayon at nang kahirapa�y mabigyan ng solusyon Ngunit ang matsong ito�y kay hirap paniwalaan Gayong nakatutukso rin ang kanyang kapablingan � Ibang klase nga naman ang hambog na ito Pang-asinta niya�y di balang blangko Di gaya ng mga medalyang militar ni Macoy Na di galing sa Bataan kundi sa tindahan ng burloloy. Ngunit higit pa sa mga ito ang kanyang kalaswaan Mga sanggol na magsasakang naghihiyawan Sa dampa nilang ang silong ay putikan Habang ang mga bundat na laki-sa-layaw Ay namumuwalan sa maka-uring prebilehiyo Na sa kanilang hugis at hilig ay animo�y di na tao, Habang alipi�y naghihingalo�t gutom sa pagkatao.   BAWAL ANG SABIT SA BIYAHENG LANGIT Alam ng mamamayan kung saan nila gustong tumungo. Higit sa mga tusong ang hinihiyaw ay pekeng mga pangako, Mga traydor na dispatsador ng matatamis na pangarap Ng pagtatanggol sa inangbayang sagad sa hirap, Ng lupa para sa mga magsasakang inagawan, Ng mga paaralang sisilungan ng mga walang-muwang. Ng tunay na diwa ng kapangyarihan, hindi ng dahas sa pagsasamantala Na sa bisig ng uring anakpawis ay kumukulata. Kawawa ang mga natutulog, sila�y maaalipungatan Sa kalubakan ng lansangang pagdaraanan Sa butas-butas na kalsadang pinagkakarerahan Ng mga neo-kolonyal na pulitiko na dito�y nagpangalan Ng Philippines 2000, na sila ring nagtimbuwangan sa natamong pambihirang �kaunlaran.�   HILA MO, HINTO KO Nagdidinig-dinigan lang nga ba itong si Estrada Sa mga reklamo ng mga taong ngayo�y halos nagmumura Dahil sa mga luma�t bagong kroni n�yang minomonopolisa Di lamang bawat huntahan kundi maging lahat-lahat na. Sa katakawa�y �di pahuhuli si Danding Sa kopra, tubo at sa tagay ng San Miguel Beer, Habang kay Lucio piloto�y eroplanong perang-papel, Inaawitan naman ni Imelda ang masa ng �Dahil Sa Iyo� Salat-salat ang alahas na animo�y nagrorosaryo. Sa bansang kabi-kabila ang hatakan sa lubid ng palakasan, Wala ni hibla ang masa. Tanging ang mga huwaran Ng kasakiman ang umaangkin sa malalawak Na mga plantasyon at mga empresang pinagbubuwisan Ng dugo�t pawis ng mga manggagawa at magsasaka. Para! Pero patuloy sa arangkada ang neo-kolonyal na harabas At sa anarkismo�t pagdurusa, sa labanang walang habas, Kampante ang nabigeytor na mperyalista Na s�yang tunay na nagmamaneho, hila-hila ang tali ni Estrada Hindi artista si Erap. Siya�y isang papet.


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.