Home  CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Agosto 1999
Mga Tula
TOC Ipinagmamalaki Nila


Na ang basag na bungo Ng mga tulisan Ay dekorasyon lamang Sa kanilang himpilan.   Ipinagmamalaki nila Na ang kanilang kwintas Ay gawa sa ngipin ng pulahan, At ang utak ng rebelde Ay kanila lamang pampulutan.   Ipinagmamalaki nila Ang kanilang kakayahan Sa pamamaso ng hita Sa pangunguryente ng utong Sa pandurukal ng mata At pamumutol ng dila.   Itinuturing nilang premyo Ang bawat kukong tinungkab, Bawat tengang tinapyas At bawat ulong tinulos sa dawag,   Habang ipinagmamalaki Na sa lahat ng dako Ay marami silang mata, At sa lahat ng sulok Ay marami silang tenga.   Ipinagmamalaki rin nila Ang kanilang mga galamay. Ipinagmamalaki nila Ang kanilang pangil at sungay.   At dahil hungkag Ang kanilang dibdib at noo Ipinangangalandakan nila Na hindi sila tao.


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.