Home  CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Agosto 1999
Mga Tula
TOC Mapulang Pagpupugay


Mula sa sinapupunan ng bayang nagpupumiglas, Nagpupumilit makawala sa hawlang kinasasadlakan; Sumibol ang pintig ng panibagong-buhay; Punlang ipinaglihi sa rebolusyonaryong pagpupunyagi; Sanggol na iniluwal sa banig ng kontradiksyon; Antagonismo ang nagsilbing komadrona; Bente-sais ng Disyembre, pumailanlang ang iyong tinig Hudyat ng paghihiwalay ng dalawang kulay Ang kulay ng pulang dugo na bumabalot sa �yo Simbolo ng kagitingan at katapangang siyang magiging tugon Sa panangis ng bayang nalugmok sa hirap, Sa kumunoy ng karalitaan.   Araw ng iyong pagsilang ay isang hudyat Ng pagpasok ng rebolusyon sa panibagong yugto ng buhay Ipinaghele ka sa duyan ng digma Mga putok ng baril ang nagsilbing uyayi Lumaki kang taglay ang kapasyahang Adhika�y ipagtagumpay Sa iyong pagsilang, labis na nagalak ang iyong ina Ang amang malaon nang naghihintay Mga kapatid na patuloy sa pakikibaka Anaki�y nagkaroon ng tala sa kanilang daan Magsisilbing tanglaw upang hindi muling maligaw Ang sinimulang pakikibaka Ng iyong mga ninuno.   Sa iyong paglalakbay dumaan sa iba�t ibang balakid Mga pagsubok na pilit mong nilagpasan Matatarik, at makikitid na daan Nariyang madapa ka, nariyang mahulog Sa bawa�t pagkadapa�y pilit nilalapa ng halimaw na kaaway, Mga buwitreng nagnanais na patuloy kang ibulid Sa walang hanggang pagkaalipin Datapuwat naririyan ang tatlong tala na sa iyo�y pumapatnubay Itinuturo sa�yo ang tamang daan Tinuturuan kang lumakad, lumangoy sa dagat At dahil sa iyong pagtalima sa kanilang dakilang salita Nanatili kang nakatindig sa harap ng mga hambalos Patuloy kang nagpunyagi upang manatiling bag-as At bantayog ng rebolusyon.   Sa iyong kanang kamay tangan mo ang sibat Sandatang ginagamit mo upang gapiin ang halimaw Sa kaliwang kamay mo naroroon ang kalasag Sandata at pananggalang sa pakikibaka; Humayo kang taglay ang tibay at ibayong pananalig Na sa iyong paglalakbay kasama mo ang mamamayan.   Ngunit sadyang ang kaaway ay hindi basta matutulog Hindi basta papayag na magapi sa pagtutuos Mula sa loob ay pilit kang winasak Nais agawin, iyong sibat at kalasag Pilit binubulag, iyong mga mata At mas masahol pa Nais ka nilang pugutan ng ulo!   Nakaririmarim na mga balakin! Mga taksil sa bayan! Nais tayong iligaw ng landasin Isadlak sa karimlang walang hanggan! Salamat at naging matalino ka Nakita mo ang �sakit� na dumapo sa katawan Kalawang na nais sumira sa bakal ng kapasyahan Dahil sa IDKP nalamapasan mo ang kritikal na yugto ng iyong buhay.   Mula roon ay patuloy kang naglayag sa laot Higit na matatag, higit na matibay Kapasyahang isulong ang rebolusyon Handang harapin ang bagong hamon Lagi na�y katuwang mo ang masa Sa pagsulong sa ulan tuwing may unos Sila ang walang kupas na tala ng iyong buhay, Ang kabuuan ng iyong buhay.   Sa araw na ito muling gugunitain Ang dakilang araw ng iyong pagsilang Muling babaybayin ang landas na iyong tinahak Iwawagayway ang pulang bandilang taglay ang maso at karet Sagisag ng iyong katapatan at kagitingan; Ipagdiriwang ang iyong mga tagumpay. Sisigaw ang buong hanay: Mabuhay ang PKP! Mapulang pagpugay sa iyong pagsilang!!!


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.