Mula sa maliit
sisibol ang berdeng talbos.�
(May panimulang pagpunla�
Mula sa ilang dakilang kaluluwa)�
Hindi mo makikita ang siglo ng buhay at kamatayan�
sa ilalim ng lupa�
(Pero ramdam mo ito, Kasama�
Nagtitipon ng lakas�
Tahakin ang landas, mangahas�
Sa matagalang digmang bayan)�
Mula sa mahina�
unti-unting tumatatag�
hangga�t sa nagiging matibay�
tanyag ang kanyang pagiging�
bunga ng mahabang panahon.�
(May muog na gumagabay�
Sa bawat pagkilos)�
At pagharap sa mapait na pagsubok ng�
hangin, ulan, araw.�
(Sa kontradiksyon��������
Ay may pag-unlad)�
Tumitindig ang kawayan sa malakas na unos ng bagyo�
sa pamamagitan ng pagyuko.�
(Tulad ng rebolusyon�
Tulad ng tunay na rebolusyonaryo.)�
|