(i)
Ano nga ang pangalan nila?
Piduy ang aking palayaw� si Alpredo.
Apelyido?
Sonio�
�Z� o �S� ang simula?
Hindi ko alam�
Ano ang ginagamit sa sensus ninyo?
Hindi kami nakakaranas ng sensus�
Isusulat ko na lang na nagsisimula sa �S,� payag ka ba?
Kahit ano ang nasa una, Kasama�
(ii)
Ilang taon na kayo?
Ummm� hindi bababa sa sitenta�
Hindi ka sigurado?
Hindi ko na maalala kung kailan ako ipinanganak�
Naabutan mo ba ang panahon ng Hapon?
Nakapantalon na ako noon...
Kaninong mukha ang nasa pera noon?
Nakalimutan ko na�
(iii)
Saang lugar kayo ipinanganak?
Dito at matagal na kami sa lugar na ito�
Ang ibang kamag-anak?
May buhay at may patay na�
(iv)
Paano ka naghahanapbuhay?
Tinutulungan ako ni Seloy�
Seloy?
Ang bunso kong anak�
May pamilya na siya?
Lima na ang apo ko sa kanya�
(v)
Ano ang trabaho ni Seloy?
Nagkakaingin.. nagtatrabaho sa kampo militar�
Gaano kalawak ang kanyang kaingin?
Maliit, mga limang rayna�
Ilan ang ani?
Kung maganda ang panahon, hanggang Enero na pangkain�
Anong trabaho niya sa kampo?
Nagbibiyak ng kahoy, nag-aayos ng bakod� kung anu-ano pa�
Magkano ang bayad?
Hindi makakabili ng isang gatang na bigas�
(vi)
Ang asawa niya?
Isang katulong�
Sa loob ng bahay?
Kung minsan, sa kampo militar din, naglalaba ng uniporme ng armi�
Magkano ang kita niya?
Maliit� sapat para sa sabon at gaas lamang�
Tuwing kailan siya nakakauwi?
Tuwing linggo, kung minsan bawat apat na araw�
Paano ang mga kabataan?
Dala niya yung bunso, yung iba, ako ang nag-aalaga�
(vii)
Nag-aaral ba ang mga bata?
Hindi� malayo ang eskwelahan�
Gaano kalayo?
Humigit-kumulang isang araw na lakad�
Paano na lang sila?
(Walang sagot, malayo ang tingin)
Paano na lang ang ganitong klaseng buhay?
(Walang sagot, nakatingin lamang
sa aking armalayt).
|