Home  CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Agosto 1999
Mga Tula
TOC Sa Ama’t Inang Nagmamahal


  Ama’t inang mapagmahal Kayong nagluwal at nag-aruga sa inyong anak Kayong nagpakasakit sa pagpapalaki Kayong nagturo sa kanya kung paano maging matatag Sa gitna ng kahirapa’t mga pagsubok May pagkukulang ba at ngayon kayo’y kanyang iiwan? At di ninyo maatim na ang susuungin niya Ay isang marahas na pakikibaka sa kanayunan?   Ngunit malulubos ba ang kaligayahan Sasagana ba ang kabuhayan Kung anak ninyo’y di lilisan? Hindi katumbas ng paglayo ng inyong anak Ang pagwaksi at paglimot Bagkus ito’y walang katumbas na pagtatangi Sa inyo at sa bayang mahal.   Huwag mangambang anak ay mangungulila Sapagkat sa paroroona’y libo pang mga magulang Ang handang kumupkop at lubos ang pagkalinga Gayundin, hindi kayo mawawalan Bagkus ay masusuklian ng libo pang mga anak Na binigkis ng digmang bayan.


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.