Home  CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Agosto 1999
TOC Kwentong Kusina
Mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga kasama sa sona ng katatawanan


�Wanted!�

Isang manggagawang natanggal sa trabaho naghahanap ng mapapasukan. Kaya lang, dahil sa tindi ng krisis, puros Walang Bakante� Walang Bakante� Kaya�t naisipan n�yang umuwi na lang sa probinsya. Pagdating n�ya sa kanila � sa bukid � nakakita siya ng mahabang pila. Nang nasa harap na siya, ano�ng gulat n�ya � at laking galak na rin � sa nakita.Wanted: Pultaym sa BHB! Marami pang bakante!

�Made in Japan�

INIhatid ang singkit at maputing si Ka Mai ng isang kuryer papasok ng sona. Sa bangkang sinakyan nila, nakasabay nila ang ilang militar. Tinanong ng isang militar ang kuryer kung Hapon ba ang kasama niya. Sabi ng Kuryer: �A, eh, opo� Opo� Nabigla si Ka Mai at s�ya naman ang pa-Ingles na tinanong ng militar: �Wats yur neym?� Sagot ni Ka Mai: �Suni� Suni��

Mukhang nasiyahan ang militar sa huntahan at itanong pa nito kung ilang taon na sa Pilipinas si Ka Mai. �To yers,� ang bibong sagot naman ng kasamang napagkamalang Hapon.

Pagdating sa isang daungan, nagprisintang bitbitin ng militar ang mga gamit ni Ka Mai: �Lit mi hilp yu, mis.� �Nu� nu� nu� It�s oki� it�s oki�� nagmamadaling sagot ni Ka Mai.

Naisahan na naman natin ang militar. Mapayapang nakarating si Ka Mai sa sona. Hindi na n�ya kinailangan ng sakroro.

�Engkwentro�

Handa nang matulog sina Ka Inday at Ka Nena, pagod sa mahabang lakaran. Magtatalukbong na ng kumot ang dalawa nang maya-maya�y aamuy-amuyin ni Ka Inday ang kanyang kumot, t-shirt, pantalon, at ang katabing si Ka Nena.

�Ang baho! Ang baho talaga!� biglang bulalas ni Ka Inday. Sambit naman ni Ka Nena: �Nanggagaling yata sa higaan natin.� Kaya�t patuloy na ginaod ng kanilang ilong ang kapaligiran. Ilang sandali pa: �Ay naku,� ang sigaw muli ni Ka Inday, �tae ng pusa� Nasa ilalim ng banig ko!�

Aral: Kailangan natin ang matalas na pandama sa sonang gerilya sapagkat kung hindi, maaaring isang araw, magulantang na lamang tayo sa katotohanang kasiping na pala natin ang kaaway � ang mabahong kaaway.

�Rosas ng Digma�

Unang araw: May dala-dalang tatlong pulang rosas si Ka Ivan. Ihahandog n�ya ang mga bulaklak sa nililigawang si Ka Annie sa araw ng gradweysyon nito. Sa may gate ng bulwagang pinagdadausan ng gradweysyon pumwesto ang mangingibig na si Ka Ivan. Walang anu-ano�y biglang nagsulputan ang mga aktibistang estudyanteng nagraraling-iglap. Nagtakbuhan sila matapos ang ilang sandali ng ahitasyon at nang habulin na sila ng mga gwardiya at pulis. Naiwan si Ka Ivan na nakatayo sa may gate, tangan-tangan ang pinakaiingatang mga bulaklak.

Nilapitan ng mga pulis si Ka Ivan. �Hoy, ikaw, aktibista ka �no?� bulyaw ng isa kay Ka Ivan. �A, eh, may bibigyan lang po ako ng bulaklak,� ang nauutal na sagot ni Ka Ivan. Kinapkapan ng mga pulis si Ka Ivan at ilang minuto rin s�yang hindi tinantanan ng katatanong; hanggang natapos na ang gradweysyon nang di n�ya man lamang n�ya nakita ang iniirog na si Ka Annie.

Pangalawang araw: �Bok, palpak ang lakad ko,� naiinis na kwento ni Ka Ivan sa isang kasama. �Hindi ko naibigay ang bulaklak.� �Okey lang �yon, bok,� ang sabi ng kasamang medyo manhid, �hindi mo ba alam, hindi naman nagmartsa si Annie sa gradweysyon.�

Ikatlong araw: Lanta na ang bulaklak. Pero hindi susuko si Ka Ivan. �Annie, eto o, siguro ngayon ka lang makakatanggap ng bulaklak na natuyo na sa kahihintay sa iyo; sa pananabik sa iyo.� Kikislap ang mga mata ni Ka Annie. Sa loob-loob ni Ka Ivan, malapit na sila ni Ka Annie sa estratehikong pagkakapatas-patas.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.