Pinasasalamatan ng patnugutan ang mga kasamang buong-pusong tumulong na mailabas ang isyung ito ng ating pangkulturang dyornal: ang mga nagkontribyut ng mga ilustrasyon na sina Ivy Escultura, Ka Laya Luna, Ka Ibarruri, Ka Payaso, Ka Medel, Ka Soltero at Ka Angelo; ang mga nagtiyak na walang maling baybay sa mga piyesa na sina Kris Tambang at Ka M-1; ang mga kinunsulta hinggil sa salin ng mga akda na sina Mario Ruso, Lakay Berto at Ka Ilonga; ang mga kinunsulta hinggil sa chords ng mga awit; at siyempre pa, ang mga kasama na nagpaunlak na mailathala ang kanilang mga tula, maikling kwento, sanaysay at awit.
|