Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Pebrero 2000
Pahayag
TOC Mensahe ng Pagbati
Mula sa ARMAS-Metro Manila


Isang rebolusyonaryong pagbati sa ika-13 anibersaryo ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS) sa pagsalubong sa bagong milenyo ng rebolusyonaryong pakikibaka. Sa okasyon ding ito, kami ay nagpupugay sa mga rebolusyonaryong alagad ng sining na nag-alay ng buhay para sa digmang bayan. Ang kanilang mga obrang sining ay panandang-bato sa kasaysayan ng sining ng proletaryado.

Sa diwa at gabay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto, magiting na sumusulong ang pakikibaka dito sa kalunsuran ng Maynila. Walang humpay at masigla ngayon ang pag-aaral ng mga akdang Marxista-Leninista-Maoista. Patuloy ang pagbaka sa mga suhetibista, liberal at indibidwalistang tendensyang petiburgis bilang mahalagang bahagi sa pagpapanibagong-hubog ng mga kadre at aktibista. Buong puso't isipang isinasapraktika ang paglilingkod sa sambayanan.

Kasabay ng pagpapahusay ng kakayahan at kasanayan sa gawaing pansining at pampanitikan, paparami na ang bilang ng mga kadre at aktibistang pangkultura ang tumutungo sa batayang masa para gumampan ng gawaing masa at ng gawaing pangkultura, mapakalunsuran man o kanayunan. Sumisigla rin ang gawaing pakikipag-alyansa at kilos-protesta ng mga propesyunal na artista at manunulat. Dumarami rin ang mga organisasyong pangkultura sa hanay ng mga manggagawa, maralitang taga-komunidad at kabataan- estudyante.

Sa bagong milenyong ito, tiyak na sasalubungin ng mas matinding krisis sa ekonomya, pulitika at kultura ang kasalukuyang rehimeng US-Estrada. Ang krisis na ito ay tiyak na sasalubungin din ng papaigting na pakikibaka ng sambayanan, ng papalakas na rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran at ng armadong pakikibaka sa kanayunan. Sa gayon, ating maaasahan ang tuluy-tuloy na pamumulaklak ng mahuhusay na mga rebolusyonaryong likhang-sining. Muli, isang nag-aalab na pagbati.#



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.