Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Pebrero 2000
Artikulo
TOC Mga talumpati sa porum sa Yenan hinggil sa sining at panitikan
Konklusyon


Mga kasama! Nagkaroon na ang ating porum ng tatlong pagpupulong ngayong buwan. Para tuklasin ang katotohanan, naglunsad tayo ng masisiglang debate. Nagsalita ang maraming kasapi at di-kasapi ng Partido, inihapag nang buo ang mga isyu at isinakongkreto ang mga ito. Sa aking palagay, ito ay pakikinabangan nang husto ng buong kilusan sa sining at panitikan.

Kapag pag-uusapan ang isang problema, dapat tayong magsimula sa realidad at hindi sa mga depinisyon. Mali ang paraan na sinusunod natin kung una tayong titingin sa mga kahulugan ng sining at panitikan sa mga librong sanggunian at gamitin ito para itakda ang mga prinsipyong gabay sa kasalukuyang kilusan sa sining at panitikan, at para husgahan ang iba't-ibang opinyon at kontrobersya na lumilitaw ngayon. Tayo ay mga Marxista at itinuturo ng Marxismo na sa pagharap sa isang suliranin, nagsisimula tayo sa mga obhetibo at aktwal na pangyayari, hindi sa mga abstraktong depinisyon, at dapat tayong humalaw ng mga gumagabay na prinsipyo, patakaran at mga hakbangin mula sa pagsusuri ng mga aktwal na pangyayari. Ganito rin ang dapat nating gawin sa pagtatalakay ng gawain sa sining at panitikan.

Ano ang mga aktwal na pangyayari sa kasalukuyan? Ang mga aktwal na pangyayari ay: ang limang taon nang War of Resistance Against Japan na inilunsad ng Tsina; ang pandaigdigang gerang anti-pasista sa buong daigdig; ang pag-aatubili ng malalaking panginoong maylupa at malaking burgesya ng Tsina sa War of Resistance at ang kanilang patakaran ng walang pakundangang panunupil sa mamamayan; ang rebolusyonaryong kilusan sa sining at panitikan mula noong May 4th Movement - ang mga dakilang kontribusyon nito sa rebolusyon sa nakalipas na dalawampu't tatlong taon at mga pagkukulang nito; ang mga anti-Hapones at demokratikong baseng erya ng Eight Route at New Fourth Army at ang integrasyon ng napakaraming manunulat at artista sa mga hukbong ito at sa mga manggagawa at magsasaka sa mga eryang ito; ang pagkakaiba ng kalagayan at mga tungkulin ng mga manunulat at artista sa mga baseng erya at sa mga erya ng Koumintang; at ang mga kontrobersyal na isyu kaugnay ng sining at panitikan na lumitaw sa Yenan at iba pang baseng eryang anti-Hapones. Ito ang mga aktwal, di maitatatwang mga pangyayari na dapat nating isasaalang-alang sa ating mga suliranin.

Ano kung gayon ang buod ng usapin? Sa aking palagay, ito ay binubuo, sa pundamental, ng mga problema sa paglilingkod sa masa at kung paano ang maglingkod sa masa. Hangga't hindi nalulutas ang dalawang problemang ito, o hindi nalulutas nang tumpak, ang ating mga manunulat at artista ay di makakaangkop sa kanilang kapaligiran at mga tungkulin at haharaping mga suliranin mula sa loob at labas. Ang aking pangwakas na pananalita ay sesentro sa dalawang suliraning ito at magbabanggit ng iba pang kaugnay nito.

May 23, 1942



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.