naka-impake na ako.
uminom na ng
anti-malaria
wala pa palang
baterya ang
flashlight
hindi ko mahanap
ang isang pares ng medyas
panlamig
wala akong dalang
gamot sa ubo, para sa
lagnat lang ang bitbit
ko
Huwag mo nang ipadala
ang mga luha mo,
bibigat ang pak
ko
iiwan ko na
ang
lungkot dito
baka mapansin ng masa
kapag
binaon ko
hindi ko nakalimutan ang
pansulat, pantala
ng
mga kwento
panghugis ng
mga tula
ang haba ng biyahe
papunta at pagdating
ang rebolusyon
ay pamamaalam din
mga hakbang pasulong
palayo sa mga giliw
at sinta.
|