Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Pebrero 2000
Mga Tula at iba pa
TOC Liham


Enero 30, 2000

Mga kasama sa Ulos,

Isang maalab at mainit na pagbati!

Ako'y tuwang-tuwa sa isyu ninyo ng Ulos-1999. Bukod sa iba pa nitong nilalaman, labis akong nasiyahan sa komiks.

Maganda at mahusay ang pagkakaguhit ng mga tauhan at senaryo. Buhay na buhay. Malinaw na naipakita ang kabangisan ng kaaway laluna sa mga bata. Maganda ring nailarawan ang kabutihang ginagawa ng mga Pulang Mandirigma at kasama para sa mga bata. Higit sa lahat, napapanahon ang temang pinili laluna't nariyan ang black prop ng kaaway sa kuno'y "paggamit" ng kilusan sa mga bata.

May nais lamang akong ipaabot na ilang komentaryo sa komiks. Baka mas malinaw ang mensahe ng komiks kung iba ang titulo nito. Halimbawa, pwede sanang titulo; "Ang rebolusyon ay para sa mga bata" o di kaya " Higit sa lahat ay ang mga bata".

Dagdag sa titulo, may "kalabuan" na maaaring idulot ang pinakahuling bahagi ng pinakahuling kwento. Lalu pa't ang huli o "ending" ang kadalasang nag-iiwan ng mabigat at matagalang impresyon sa mambabasa. Wala namang mali sa pagtatapos ng pinakahuling kwento sa pamamagitan ng pagtula ng isang bata. Sa tingin ko, hindi lang akma na ilathala ang isang batang nananawagan ng armadong pakikibaka. Posibleng magdulot ito ng impresyon na nirerekluta natin ang mga bata bilang regular na mandirigma. Isa pa, napakaraming iba pang tula na popular sa Hukbo at sa masa. Nariyan halimbawa ang, "Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan", ni Amado Hernandez.

Ito lang naman mga kasama at sana'y maging tuloy-tuloy, regular at kung pupuwede ay mas madalas pa ang paglalabas ninyo ng ULOS.

Mabuhay kayo!

Ka Anna



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.