Anibersaryo sa sonang gerilya

(Read English Translation here)

Gamit ang isang regalong digital camera, nakapanguha ang ilang kagawad ng PRWC ng mga larawan ng dalawang mahahalagang aktibidad ng mga kasama't masa sa isang sonang gerilya sa Camarines Sur. Ito'y ang pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan at ang pagtatrabaho ng mga magsasakang kabilang sa luyo-luyo (tulungan). Sumusunod ang kanilang salaysay.

Panay ang kantyawan ng mga kasama sa isa't isa habang tinitignan ang mga kuha naming larawan. Lahat ng mga larawan ay kinopya sa kanilang laptop computer.

Tatlong pagdiriwang ang pinaghandaan ng mga kasama at masa para sa Marso 29, 2004:

ang ika-35 anibersaryo ng BHB

ang kasal ng dalawang Pulang mandirigma...

... at ang pagpaparangal kay Ka Ernie at Ka JB, mga kasamang nagbuwis ng buhay para sa sambayanan at sa ngalan ng rebolusyon.

Bukod dito'y, kaarawan din ng isang kasamang binisita pa ng kanyang paboritong pamangkin!

Pinagtulungan ng mga kabataan at mga kasama ang pagkabit ng mga kawayan at tolda...

... upang maitayo ang isang tanghalan sa pagitan ng mga punong niyog.

Tatlong alagang baboy ang hinanda para sa inaasahang 200 dadalo.

Handang-handa ang mga kasama, maging sa kanilang tindig at kasuotan.

Gamit ang gitara, naghanda rin ang mga kasama ng kanilang mga kultural na bilang at mga pakulo.

May inihanda ring kani- kanilang pagtatanghal ang mga kababaryo ...

... na pabugso- bugsong nagsidatingan ...

...hanggang umabot sa mahigit 300.

Nagsalimbayan ang mga
awit, tula't pahayag ng mga kasama't masa.


Sabik ring pinanood ng lahat ang bidyong kinuha sa isang taktikal na opensiba (TO) kamakailan. Nagtagumpay ang opensibang ito dahil sa malaking papel na ginampanan nila mula sa paghahanda hanggang sa mismong paglulunsad ng operasyon. Entusiyastiko nilang kinukwento sa amin ang mga eksena mula sa paniniktik, pagluluto, at paghahanda ng gamit hanggang sa pagbabantay at pagsilbing 'reserba' sa mga milisyang bayan at Pulang mandirigmang nag-TO.

Pagkatapos ng pagdiriwang, mabilis na napatumba ang mga kawayan, saglit lang nabuwag ang tanghalan.

Subalit magtatagal sa gunita ng lahat ang pagsasama-sama: ng musika at pakikibaka, ng masa at kasama, sa araw na iyon ng ika-35 anibersaryo ng BHB.

Sunod na Pahina > Sa Bikol, Silangang Kabisayaan at Timog Katagalugan > Some photos of Red fighters in Mindanao > Luyu-luyo >