PRWC Publications References Organizations Features Multimedia Utilities

Sa Bikol, Silangang Kabisayaan at Timog Katagalugan


(Koleksyon ng mga larawan ng rebolusyon mula sa tatlong rehiyon)


Sa panahon ika-38 taon ng Partido Komunista ng Pilipinas, nasaksihan ang ibayong pag-igting ng armadong pakikibaka sa kanayunan bilang tugon ng rebolusyonaryong mamamayan sa walang-kasing-tinding panunupil at pagpapahirap ng naghaharing rehimeng Arroyo. Pinasisinungalingan ng sumusunod na mga sulyap ng rebolusyon sa Bikol, Silangang Kabisayaan at Timog Katagalugan ang paulit-ulit na paghahambog ng desperadong pasistang gubyerno na nalipol na nito ang tunay na Hukbo ng mamamayan. (I-double-click para matingnan ang koleksyon; i-right-click at "save target as" upang i-download ang pdf.)




Padayon! (Ipagpatuloy!)
Agosto-Setyembre 2006

Kasalukuyang nagbubuga ng nakapapasong putik ang bulkang Mayon nang sumadya kami sa Bikol upang kapanayamin ang mga Kasama.

Sa mga puso ng mga baryo, na pinalilibutan ng mga kaniyugang sintayog ng pangarap ng karaniwang mamamayan para sa kalayaa't kapayapaan...

...kung saan ang simpleng biyayang lilim ng mga puno'y katulad ng tiyak na pag-aaruga ng mamamayang kinukublihan...

...doon araw at gabing bumabaybay ang mga Pulang mandirigma upang harapin ang mga pang-araw-araw na gawain sa pagsusulong ng rebolusyon.



Silang mga Pulang mandirigma
Hunyo-Hulyo 2006

Ang kanayunan... ang lunsaran ng digmang bayan sa kasalukuyan, ang nagsisilbing larangan ng pagsasanay ng mga kadre at mandrigma sa pakikihamok sa kaaway. Dito nabubuo ng mga batang nagiging mga Pulang mandirigma ang payak na pangarap na makahulagpos sa pagsasamantalang dulot ng sistemang malakolonyal at malapyudal.

Ang koleksyon ng mga larawang ito ay buhay na larawan ng mga anak ng digma at mga mandirigmang luwal ng iba't ibang mukha ng kahirapan at pagsasamantala sa kanayunan. Hindi pinangarap ng bawat bata na maging mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan dahil sa kaakibat na sakripisyong dulot ng taos-pusong paglilingkod sa bayan. Subalit ang suhetibong kagustuhan ng bawat indibidwal ay ginagapi ng obhetibong kundisyong isang digmang bayan lamang ang maghahawan ng landas para sa isang radikal na pagbabago na magluluwal sa isang sistemang may katarungan at pagkakapantay-pantay. Tulad ng mga batang biktima ng lipunang tiwali na nagiging magigiting na mandirigma ng bayan...





Isang Disyembre
sa Bundok Sierra Madre

Disyembre 2005

Minsan isang Disyembre, nakasama ng PRWC ang ilang mga Kasama sa bundok-Sierra Madre at sumusunod ang ilan sa tampok na pangyayari:

Mga naka-tikas-pahinga, naka-pormasyon ang yunit para dinggin ang kabuuang iskedyul para sa araw na iyon at sa mga susunod pang mga araw

Katuwang ang masa, naghanda ang mga Pulang mandirigma ng karneng pang-hapunan. Sa yugtong iyon ay kailangang-kailangan ang protina dahil ilang araw ding naglakbay mula sa malayong lugar ang mga kasama.





Some photos of Red fighters in Mindanao > An NPA anniversary celebration in a camp in Southern Tagalog > Selebrasyon: 36 larawan sa pagdiriwang ng ika-36 anibersaryo ng PKP sa sonang gerilya ng Quezon > Anibersaryo sa sonang gerilya > Luyu-luyo >
Page not found » PRWC | Philippine Revolution Web Central