Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


NDFP Homepage The NDF and its representatives (statements links) NDF International Office Allied Organizations (statements links) Gallery of Heroes and Martyrs Peace Talks Documents
    Pilipino
   

Mensahe sa ika-30 anibersaryo ng NDFP

MKP
Makabayang Kawaning Pilipino
(employees)
Abril 24, 2003

Mula sa mga Makabayang Kawaning Pilipino (MKP-PDPP), mainit na pagbati sa ika-30 anibersaryo ng Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas (PDPP). Bilang pinaka-komprehensibong pormal na organisasyon ng nagkakaisang prente ay hindi na matatawaran ang mahalagang papel nito sa kasaysayan ng makauring rebolusyon ng sambayanang Pilipino. Ang pagbubuklod na ito ng mga batayan at progresibong hanay ay nagpapatunay na ang kasalukuyang rebolusyonanryong kilusan sa pamumuno ng uring mangagawa ay kumakatawan sa buong mamamayang Pilipino at kung saan nagmumula ang pinakamalawak na suporta. Patuloy na itataguyod ang linya ng rebolusyong bagong demokratiko at para sa armadong pakikibaka.

Saludo mula sa MKP para sa PDPP sa napakahusay na paggampan nitong ilang taon upang katawanin ang rebolusyong Pilipino sa prosesong pangkapapayaan. Salamat sa mga kasamang masinop at buong tapat na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Sa kabila ng paninikil at banta sa buhay mula sa mga imperyalistang bansa sa pangunguna ng US at rehimeng Macapagal-Arroyo, magiliw na tinanganan ang mga prinsipyo at nagpapatuloy sa pakikibaka sina kasamang Armando Liwanag at iba pang patriyotikong pinalayas sa inang bayan.

Pinagmamalaki natin ang malalaking tagumpay na sa proseso ay naging substansyal ang ganansya sa paggigiit ng status of belligerency, pagpapakilala sa rebolusyong Pilipino sa mundo at higit pang pagpapasigla ng pakikibaka sa buong bansa. Kasabay na nailalantad ang mapanlinlang na layunin ng naghaharing uri na pasukuin lamang ang rebolusyon sa halip na seryosong harapin ang panlipunang krisis na pinagmulan ng makatwirang gera na inilulunsad ng mamamayan. Gaano man ang kanilang kapangyarihan sa propaganda sa burges na midya ay hindi kayang pagtakpan ang mga katotohanang mabilis na nahihiwalay ang naghaharing uri at mga tagumpay sa pakikibaka.

Tagumpay ng Ikalawang Dakilang Kilusang pagwawasto ng buong rebolusyong Pilipino ang muling pagpapasigla at paglawak ng PDPP. Sa pambansang kumperensya nito noong 1994 ay pormal na sumapi ang MKP. Nabuo ang MKP noong 1992 bilang rebolusyonaryong masang organisasyon ng mga kawani, manggagawa at panggitnang upisyal sa pampublikong sektor. Isa itong mahalagang yugto sa bagong larangan ng rebolusyonaryong kilusan ng sektor. Kilusang higit pang nagpalawak sa hanay ng nagkakaisang prente at nagpapakita naman ng kumikitid at nauuk-ok na hanay ng mga naghaharing uri.

Sa maliliit hangganag sa papalaking mga pagsisikap ang MKP ay nagpapatuloy sa pagpapalawak at pagpapalakas para sa mahusay na pamumuno sa ambag nito sa buong nagpapatuloy na rebolusyonaryong Pilipino. Tungkulin nito ang pagpapalaganap ng programa ng PDPP; nagpapataas sa anti-imperyalista, antipyudal at antipasistang kamulatan; masiglang kampanya sa pangekonomya at demokratikong karapatan; at pag-ambag sa armadong pakikibaka sa kanayunan.

Kasalukuyang programa ang pagsisinop ng organisasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga dagdag at pagpapagana ng mga balangay at pambansang pamunuan. Kung saan ay inaasahan ang mas malalaking tagumpay sa pag-oorganisa, pagmumulat at pagpapakilos; laluna ang pagpapaunlad ng suporta sa armadong pakikibaka sa kanayunan.

Higit kailan man ang rebolusyonaryong kilusang Pilipino para sa katarungan at kalayaan at laban sa pagsasamantala at pang-aapi sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, magiting na tunay na hukbo ng mamamayan ang Bagong Hukbong Bayan, at malawak na nagkakaisang prente ay nasa mainam na katayuan para sa mas mabilis na lahatang panig na pag-abante. Sa pagkamit ng suporta mula sa milyon-milyong mamamayan ay handang harapin ang desperadong bangis na pagsalakay ng pwersang rehimeng US-Macapagal-Arroyo. Malalantad ang kahinaan ng mga modernong kagamitan at mga bayarang pwersang panggera sa harap ng malawak at mahigpit na pagkakaisa at kapasyahang magwagi ng sambayanan.

Kaya sa araw ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng PDPP, ang MKP ay nagbubunyi at muling nag-aalay ng kanyang lakas at determinasyon sa pag-akap at pagsasagawa ng mga tungkulin sa kasalukuyang yugto ng pakikibaka.

Hanggang sa tagumpay!

Mabuhay ang MAKAURING REBOLUSYONG PILIPINO!

Mabuhay ang Pambansa Demokratikong Prente ng Pilipinas!

Mabuhay ang Makabayang Kawaning Pilipino!

Ibagsak ang Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo!###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.