|
| Ipagbunyi ang ika-31 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Makabayang Samahang Pangkalusugan!
Makabayang Samahang Pangkalusugan
Kaanib ng National Democratic Front (NDF) Nobyembre 26, 2009
Masikhay na isinusulong ng Makabayang Pangkalusugan (MSP), kaanib na organisasyon ng National Democratic Front (NDF) ang mga aktibidad na pang-edukasyon at pang-organisasyon, paglulunsad ng mga kampanyang masa kaugnay ng iba't ibang isyu para maitaas ang antas ng kamalayan ng mamamayan.
Aktibong tumutugon ang MSP sa panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng NDF na makipagtulungan at kumilos kasama ng mamamayan na makaahon sa kalamidad. Nakapaglunsad ito ng masiglang relief operations, medical mission, stress debriefing sa mga komunidad ng masang mahihirap na nasalanta ng kalamidad. Kumilos ang MSP, kasabay ng mamamayang Pilipino, para singilin ang rehimeng U.S.-Arroyo sa kriminal na kapabayaan nito sa mga biktima ng kalamidad at responsibilidad nito sa malawak na sakunang dinaranas ng mamamayan.
Masigasig na nakikipaglungan ang MSP sa mga larangang gerilya sa paglulunsad ng mga pagsasanay medikal sa hanay ng mga medik ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at ilang kasapi ng mga komite sa kalusugan ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa mga baryo para matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan sa halip na umasa sa bulok ng programang pangkalusugan ng rehimeng Arroyo.
Nanawagan ang MSP sa mga doktor, nars, istudyante at mangagagawang pangkalusugan na makipamuhay sa masang magsasaka at manggagawa at aktibong lumahok sa digmang bayan.
Kinukundena ng MSP ang naganap na masaker ng maraming sibilyan, kabilang ang 34 na mamamahayag na nadamay sa alitang pulitika ng dalawang paksyon sa Maguindanao. Lubos din ang pagkundena ng MSP sa kainutilan ng rehimeng Arroyo sa pag-uusig sa paksyong Ampatuan na kasabwat sa pandaraya at nagpanalo kay Gloria M. Arroyo bilang pangulo noong eleksyong 2004.
Nilulunasan ng MSP at rebolusyonaryong kilusan hindi lamang ang karaniwang sakit ng mamamayan kundi ang talamak na sakit ng buong lipunan. ###
Back to top
|
|
|
|